CHARLES' POV
Nagpatuloy parin kami sa aming pagpalaot hanggang sa makarating sa may mga corals. "Lulusong ka? Okay ka na ba?"hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magtanong kay Camille.
"Okay na ako, saka may suot na akong life vest."sagot nito sa akin at ibinaling ang atensyon sa pagsusuot ng goggles. Hindi ko na siya pinigilan pa. Nang makababa na si Camille, kaming tatlo nalang nila Odessa at Nadine ang natira.
"Dito ka lang. Mag-uusap pa tayo."pigil ko kay Nadine nang akmang lulusong sa tubig. Hanggang ngayon ay nakatungo parin siya. "Sabihin mo sa akin Odessa kung ano ang nangyari, ang totoong nangyari."seryosong sambit ko.
"A...ano kasi..."utal niyang sambit.
"Ano?"tanong ko pa.
"Nakaupong mag-isa si Camille doon sa may dulo, sa may kawayan. Itong si N...na...dine, bigla nalang siyang itinulak."pagpapaliwanag nito saka siya tumungo.
"Maaari ka nang lumusong."sambit ko kay Odessa, para makapagtuos kami Nadine habang wala ang lahat. Inayos na niya ang kaniyang sarili at lumusong na kaagad.
"Ano bang problema mo Nadine? Tungkol parin ba sa akin? Ha?"panimula ko. Pero hindi siya nagsasalita. "Nag-usap na tayo diba? Nilinaw ko na ang lahat sa'yo na hindi na magkakaroon ng tayo. Bakit ba pinagpipilitan mo ang gusto mo? Natatandaan mo pa ba ang sinabi mo sa akin noong nakaraang araw? Na huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo, pero ikaw 'tong sumasalungat sa mga sinasabi mo."mahabang sambit ko at tumigil muna ng panandalian. "Alam mo, ibang Nadine na ang nakikita ko. Parang may sumanib sa'yo na kung anong itim na kaluluwa, na siyang nagpabago sa dating ikaw. Hindi mo ba naiisip o nakikita na nakasasakit ka na ng kapwa mo? Nadine, just move on. Lahat ng nangyari sa atin ay nakaraan na, tapos na, naglaho na, dinala na ng hangin. Wala kang mapapala kung ganiyan ang mga gawain mo. Ibalik mo ang dating ikaw. 'Yong Nadine na maunawain, mabait, mapagmahal, hindi nananakit ng kapwa niya lalo na ng kaibigan niya. Pwede kang makapatay sa ginawa mo kanina."makahulugang sambit ko.
Sa wakas ay iniangat na niya ang kaniyang ulo. "Anong magagawa ko? Eh mahal kita. Lahat ay gagawin ko para bumalik ang pagmamahal mo sa akin. Isusugal ko ang buhay ko para lang sa'yo."sambit nito habang tumutulo ang kaniyang mga luha. "Alam mo bang malapit na akong malagutan ng hininga?"sambit pa nito na ikinagulat ko, pero hindi ko ipinahalata sa kaniya. Akala ko ba okay na siya? "Sa huling sandali ng buhay ko ay gusto kitang makasama, kaya lahat ay ginagawa ko para lang makipagbalikan sa'yo. Ngayong alam mo na, hindi mo parin ba ako pagbibigyan?"patuloy parin ang kaniyang pagtangis.
![](https://img.wattpad.com/cover/85421136-288-k93273.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Roman pour AdolescentsDate created: September 2016 ©Bianczx