Chapter 12

142K 4.2K 619
                                    

CAMILLE'S POV

Katatapos ko lang mag-prepare para sa acquaintance party namin mamaya. Ito ang unang beses na a-attend ako ng ganitong klaseng event. Medyo kinakabahan ako sa magiging reactions ng mga tao. Saka hindi pa alam ng mga classmates ko na ako si Camille. 

Maya-maya pa, nakatanggap ako ng message galing kay Nadine.

From: Nadine
Malapit na ako sa school, saan ka na?

To: Nadine
Paalis pa lang ako, e.

Akala ko medyo kinakabahan lang ako. Pero ngayong pupunta na ako sa school, mas nagiging kabado ako! Sa mga nakaraang araw, ipinapakita sa akin ni Sophie 'yung mga comments ng schoolmates namin sa ipinost niyang picture namin ni Charles. Tinatanong kung saan ako nakatira, bakit daw magkasama kami ni Charles, ano raw ba ang cellphone number ko at kung anu-ano pa. Karamihan pa roon ay mga kaklase namin. Pero syempre, hindi lang compliments ang nandoon, may mga namba-bash din. 

Hinahayaan ko na lang sila sa gusto nilang sabihin. 

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagpapaayos ng mga ngipin ko! Mas importante 'yon kaysa sa kanila!

"Ate Camille, ready ka na ba?" Katok ni Sophie. Tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin bago siya pinagbuksan ng pinto.

"Wow! You're so beautiful!" Manghang sabi ni Sophie nang buksan ko ang pinto. 

"Talaga ba?" Tanong ko. Tumangu-tango siya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo! 

"Let's go na, male-late na tayo." Hinila na niya ako paibaba.

"Ang ganda naman ng anak ko." Puri sa akin ni Papa. Sa wakas, nasabi na rin sa akin ni Papa ang magic word! Sarap sa ears!

"Sinabi ko na sa 'yo, Pa, e. Maganda talaga anak mo." Pagbibiro ko at natawa lang siya.

Hindi nagtagal at nagpaalam na kami sa kanila. Si Mang Juan ulit ang magda-drive para sa amin.

"Nasaan nga pala ang Kuya mo?" Tanong ko kay Sophie. Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita sa bahay nila simula no'ng natapos namin gawin 'yung project namin sa English. 

"Hindi ko pa rin siya nakikita, e. Baka nasa room lang niya." Sagot niya saka sumakay na sa loob ng sasakyan. Naisip ko lang, hindi kaya, masyado niyang dinamdam 'yung sinabi ko sa kaniya kaya hindi siya nagpapakita? 

"Babye mga Ate!" Paalam nina Kitty at Cholo. Nagwave na lang kami sa kanila saka isinara na ang pintuan ng sasakyan.

Nanalangin muna kami bago kami lumarga. Pero bago kami tuluyang makaalis, nagtaka kami nang huminto si manong sa may gate.

"Bakit po nag-stop tayo, Manong?" Tanong ni Sophie. Bago pa man makasagot si manong ay may kumatok na mula sa labas. Bumukas ang pintuan sa may gilid ko at bahagya akong nagulat nang makita ko si Charles. Seryoso na naman ang mukha niya.

Pagsakay niya, naupo siya sa tabi ko at isinara na ang pinto.

"Sophie, pwede palit tayo ng pwesto?" Bulong ko kay Sophie na nasa tabi ko. Pumayag naman siya, kaso kumontra ang Kuya niya. 

"Mukha ba 'kong bacteria para lumipat ka pa?" Napailing siya. Hindi na lang tuloy ako nakipagpalit kay Sophie. Gusto ko sana siyang sagutin kaso parang hindi ito 'yung tamang oras para makipagbangayan sa kaniya. Ang ganda-ganda nang ayos ko tapos makikipag-away lang ako sa kaniya? 'Wag na! 

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon