CAMILLE'S POV
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko, medyo sumakit ang ulo ko dahil ilang oras lang ako nakatulog. Naalala ko pa kagabi, alas-dose na kami natapos uminom. Inilabas ni Charles lahat ng gusto niyang sabihin. Mabigat ang pinagdadaanan niya at hindi ako maka-relate.
Tumayo na ako at naghanda sa pagpasok. Mabilis lang akong kumain ng breakfast at nakisabay ulit ako kina Sophie.
Nandito na ako sa school pero si Nadine wala pa. E, lagi nga akong nauunahan pumasok no'n eh. Ano kaya'ng nangyari? Baka na-traffic siguro. Maghihintay na lang ako. Hindi ko na siya nakausap kahapon dahil sa biglaang pagkikita naming apat sa may tabing-dagat.
Naupo muna ako sa may gilid kung saan may isang bench, at doon ako nagmuni-muni.
"Camille, hinahanap ka ni Papa Sky." Pagbibigay alam ng isa naming beking kaklase na si Stephanie. Pero, Stephen talaga ang totoo niyang pangalan.
"Bakit daw?" Tanong ko. Mamaya pa naman ang usapan namin ah?
"May sasabihin daw sa 'yo." Sagot niya. Ano naman kaya 'yon? Tumayo na ako at akma nang maglalakad nang biglang may humawak sa braso ko.
"Sa'n ka pupunta?" Wala nang iba kundi si Charles the Great. Bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Sa labas, bakit?" Kaswal kong sagot. Binitiwan na niya ang braso ko.
"Wala." Sagot naman niya. May pahawak pa sa brasong nalalaman.
Mabilis na akong naglakad at pinuntahan si Sky. Pagdating ko roon, mayroon siyang bitbit na paper bag.
"Sky." Tawag ko. Nabaling naman kaagad ang atensyon niya sa akin na kanina ay nakatingin sa kawalan.
"Camille." Sagot niya saka ako nilapitan.
"Bakit mo pala ako pinatawag?"
"Uhm.. Pinabibigay ng kapatid ko." Nakangiti niyang iniabot sa akin ang paper bag.
"Hala totoo ba? Hindi ko alam na may kapatid ka." Medyo gulat na sabi ko sa kaniya saka tinanggap ang paper bag.
"Oo. Actually, kasing year n'ya 'yong kapatid ni Charles, magkaklase sila." Paliwanag niya.
"Oh.." Tumatangu-tangong sabi ko. "Ano pa lang laman nito?" Sinilip ko 'yung paper bag.
"Cookies." Sagot niya. "Nag-bake kasi s'ya kahapon at pinasobrahan n'ya dahil gusto ka n'yang bigyan, kaya ayan."
"Pakisabi maraming salamat! Panigurado masarap 'to!"
KRIIIING!
"Time na pala. Sige, papasok na ako sa classroom. Punta ka na rin sa room mo." Paalam ko nang tumunog na ang bell.
"Sige, hintayin na lang kita mamaya. 'Wag mong kalimutan ang pinag-usapan natin ha?" Paalala pa niya. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Paano ko nga pala sasabihin sa kaniya na nag-aya rin si Charles?
Tumango na lang ako at bumalik na kami sa kani-kaniyang classrooms namin. Ilang saglit pa at dumating na ang teacher namin.
Mukhang hindi na talaga dadating si Nadine. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Pasikreto pa akong nag-text kay Nadine, pero wala rin akong natanggap na reply galing sa kaniya.
Aral
Aral
Aral
Aral
KRIIING!
Lunch break na at ako lang mag-isa dahil wala si Nadine. Hindi ko naman ka-close si Odessa, kaya hindi ako ganoon na sumasama sa kaniya. Nagdiretso na ako sa canteen para bumili ng makakain. Nang matapos na akong bumili, naghanap pa ako ng mapupwestuhan pero nabigo lang ako dahil wala akong nahanap.
![](https://img.wattpad.com/cover/85421136-288-k93273.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx