SOPHIE'S POV
Si Quiana pumunta lang saglit sa may isang room dito sa studio. Ako naman, napatigil ako sa pagsayaw nang makita ko si Kuya Sky na nanonood pala sa akin.
"O, bakit tumigil ka?"tanong niya na magkakrus ang dalawang braso, habang nakasandal sa pintuan.
"Ahh...ano kasi."hindi ako makasagot ng ayos. Biglang tumugtog ang kantang Can I Have This Dance, mula sa High School Musical 3.
Si Kuya Sky, unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Anong gagawin niya?
Hindi ko inasahan ang ginawa niya, inihandog niya sa akin ang kaniyang kamay. At para bang hinihingi nito ang aking kamay, at gusto akong isayaw.
Wala sa sarili kong iniabot ang aking kanang kamay, ipinatong niya ito sa kaniyang kaliwang balikat. Sumabay ang aming mga katawan sa daloy ng musika.
Ang puso ko ay parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito. Bakit ginagawa mo 'to Kuya Sky? Ano ang iyong pakay? Bakit mo pinapatibok ng ganito ang aking puso?
SKY'S POV
Hindi ko alam kung bakit naisipan kong isayaw siya. May kung ano dito sa damdamin ko na nagtulak sa akin na gawin 'to.
Sumabay kami sa daloy ng musika hanggang sa ito ay matapos. Para kaming nasemento sa aming kinatatayuan.
"Mauna na ako, may klase pa pala ako."basag ko sa katahimikan. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot, agad na akong umalis. Mamaya ko nalang kakausapin si Quiana.
Pinagpawisan ako bigla.
"Brad!"tawag sa akin ni Lawrence na nakatambay sa labas ng room, dahil hindi pa nagsisimula ang klase. "Nagjogging ka ba?"tanong nito nang makalapit ako sa gawi niya.
"Hindi, bakit?"sagot ko.
"Tagaktak ang pawis mo brad."sabi pa niya. Ramdam ko nga, kailangan kong makapagpalit ng uniform bago ko makita si Camille. Nagpaalam muna ako kay Lawrence, kaya nagpunta ako sa locker kinuha ang uniform ko at nagpalit sa cr.
Nang makabalik ako, sakto at magsisimula na ang klase.
CAMILLE'S POV
Bumabagabag parin sa akin hanggang ngayon 'yong ginawa ko kagabi. Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa namin ngayon.
"Ms. Ocampo, bakit parang iritado ka?"tanong sa akin ng subject teacher namin ngayon.
"Ahh...wala po ito sir."sagot ko nalang.
"Kung ganon, simulan mo na ang ipinapagawa ko sa inyo. Hanggang ngayon blangko parin 'yang papel mo."sabi pa niya.
Tumango nalang ako bilang sagot ko.
Camille concentrate!
Hindi masyadong gumagana ang utak ko ngayon, essay pa naman 'tong pinapagawa sa amin.
Lumipas ang isang oras at ipinasa na namin ang aming ginawa. Buti nalang at kahit papaano ay marami akong naisulat.
"Okay class, I have an announcement."panimula ng aming adviser. Siya ang sumunod na subject.
"We have a special event next week, THE BALL NIGHT. Which is a formal dance party. You need to wear an evening attire, and you also need a partner. It's like an acquaintance party, pero puro sayaw lang. So, mag-isip na kayo kung sino ang gusto nyong maging partner. Asahan niyo nang palaging may event ang school."paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx