CHAPTER 53 ♥ GOODBYE

44.2K 1.2K 473
                                    

CAMILLE'S POV

Tahimik lang akong nakinig sa anunsyo ni Ms. Bas. "Sino kaya 'yong nagpresinta na 'yon?"tanong ni Lawrence sa akin.

"Baka 'yong taga-kabilang section."sagot ko naman.

"Siguro nga."pagsang-ayon naman niya.

"Ma'am, bigyan niyo naman kami ng clue kung sino 'yong estudyante na 'yon."sambit ni Jared.

"Sa friday, malalaman niyo kung sino. Dahil sa friday na ang alis niya."sagot naman ni Ms. Bas. Hindi na muling nagtanong si Jared, kahit ang iba naming kaklase, dahil alam nilang hindi sila sasagotin ni Ms. Bas kahit anong gawin nila.

Matapos ang ilang anunsyo ay nagbalik diskusyon na kami. Lumipat na ng ibang upuan si Nadine, syempre kasama nito si Charles.

'Pasensya na kung pati ikaw ay nahihirapan...'

ARAL

ARAL

ARAL

ARAL

ARAL

KRIIING!

"Class dismiss."pagtatapos ng aming huling guro para sa umagang ito. Nagsitayuan na kami upang makapaglunch na.

"Where do you want to eat?"rinig kong tanong ni Nadine kay Charles. Pilit kong inaalis ang atensyon ko sa kanila.

"Canteen."matipid na sagot ni Charles saka na sila lumabas. Naupo akong muli sa upuan ko at umubaob, dahil wala akong gana na kumain.

"Ikaw ang pupunta sa SoKor ano?"rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni James. Tumingala ako upang tignan siya, naupo na siya sa katabi ng upuan ko.

"Hindi."pagtanggi ko. Saka umayos ng upo.

Natawa siya ng bahagya. "Alam kong ikaw 'yon."pagpilit parin nito.

"Oo, ako nga."pag-amin ko.

"Nakita kita kaninang umaga na pumasok sa loob ng opisina ni Ms. Bas, at narinig ko ang usapan niyo."sambit pa nito. May pagkatsismoso rin pala 'tong lalaki na 'to.

"Camille."tawag sa akin ni papa na nakatayo ngayon sa may pintuan, kasama si mama.

"Maiwan muna kita James, pupuntahan ko lang sila mama."paalam ko, saka nagpunta na kina papa at mama, at nagmano sa kanila. Sinamahan ko na sila papunta sa office ni Ms. Bas.

"Malaki ang pasasalamat namin sa anak ninyo, Mr. and Mrs. Ocampo, dahil ngayong taon ay may maipapadala na kaming muli sa ibang bansa para sa exchange student program."sambit ni Ms. Bas. Pinag-usapan pa nila ang tungkol sa titirhan ko roon, ang allowance ko, at kung ano-ano pa. Naging maayos ang pag-uusap nila. Dahil katulad nga ng anunsyo ni Ms. Bas noong nakaraang linggo, libre ang lahat pagkarating ko roon. "Sa friday na ho ang alis niya, susunduin namin siya ng 4 am."huling sambit ni Ms. Bas bago kami tumuloy sa pag-alis.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon