CHAPTER 21 ♥ PATAMA SONGS

118K 3.4K 139
                                    

CHARLES' POV

Hindi ko alam kung bakit nakita ni Camille ang kwintas na dapat ay ibibigay ko kay Nadine, dahil nasa loob 'yon ng drawer ko. Nang maitapon ko na sa basurahan ang kwintas ay lumabas na ako ng silid at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Ilang oras pa ang lumipas at nanatiling matahimik ang pagtatrabaho namin ni Camille, kaunti nalang at malapit na kaming matapos. "Camille."tawag ko. Agad naman itong lumabas ng silid. "Bakit?"tanong nito na halos tumatagaktak ang pawis mula sa noo.

Hinagisan ko siya ng towel, saka lumabas ng kwarto ko at bumaba. "Manong, pakibilhan naman kami ng Shakeys. Yung classic cheese na pizza saka mojos."pakiusap ko kay manong. Agad naman nitong tinanggap ang pera at umalis na. Bumalik na ulit ako sa taas.

Pagpasok ko, nadatnan ko siyang may isinasabit sa may kisame habang nakaakyat sa may ladder. "Ano 'yan?"tanong ko kay Camille habang ang isang kamay ay nakapamewang.

"Mga pictures mo simula nung baby ka pa."sagot nito nang hindi nakatingin sa akin. "At saan mo naman nahalungkat 'yan?"tanong ko pa. "Hiningi ko kay Sophie."sagot nito. Pinagdikit-dikit niya ang maliliit kong litrato sa kisame hanggang sa ito ay maging picture na malaki. Kung saan binuo nito ang gwapo kong mukha. Oo, gwapo kong mukha.

"'Yan, tapos na."sabi nito. Akma itong bababa, agad kong hinawakan ang tinutungtungan niya upang hindi ito gumalaw. At nang malapit na siyang makababa, ay inihandog ko ang aking kamay sa kaniya upang hawakan niya ito sa pagbaba. "Salamat."naiilang na pasalamat nito. Ngumisi nalang ako.

Kinuha ko sa isang sulok ang isang balde ng pintura at ibinigay ito sa kaniya. "Anong gagawin ko dito?"tanong nito nang matanggap niya ang balde. "Magpipintura tayo."sagot ko saka kumuha narin ng pangpintura at nagsimula na. Hindi narin nagsalita si Camille at nagsimula narin sa paggawa.

Hanggang sa...

"AAAAAHHHH!"rinig kong sigaw nito, kaya naalerto ako at pinuntahan agad ito sa loob ng walk-in closet ko. Naabutan ko itong hinihimas-himas niya ang kaniyang kaliwang paa. "What happened?"tanong ko rito na bakas sa mukha ang pag-aalala. Tumalungko ako upang tignan kung ano ang nangyari sa kaniya.

Ilang segundo pa itong hindi sumagot. Gulat akong napatingin sa kaniya nang ngumiti ito at bigla nalang tumayo. Naguguluhan ako, akala ko ba masakit ang binti nito? "Joke lang!"salita nito saka tumawa ng nakakairita. "Siraulo ka ba? Ha?"inis na tanong ko rito. "Tinignan ko lang naman kung pupuntahan mo ako."sagot nito nang hindi parin nawawala sa mukha ang kasiyahan.

"Siraulo."sabi ko nalang saka lumabas ng silid. Pampatagal ng ginagawa, bwisit.

CAMILLE'S POV

Hindi ko alam kung bakit naisip ko 'yong gawin, bigla lang pumasok sa kukote ko. Nakakatuwa 'yong reaksyon ni Charles. Nang mahimasmasan ako sa katatawa, ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Ilang sandali pa at natapos narin ako. Naupo muna ako sa couch dito at kinalikot ang bagong telepono ko. Napagdesisyonan kong kumuha ng litrato. Grabe, 'yong eyebags ko.

"Yuck."rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses ni Charles. Na ngayon ay nakatayo sa may pintuan at pinapanood ako. "Ano namang yuck don?"mataray na tanong ko sa kaniya. "Tsk tsk."sabi lang nito saka tumalikod na. Kainis 'yon, kala mo kung sino eh.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon