CHAPTER 38 ❤ INDENIAL

109K 3.1K 356
                                    

CAMILLE'S POV

Ngayon ay nagtatatakbo ako, dahil gusto kong makalayo kay Charles. Juice colored, tama po ba ang ginawa ko? Na sinabi ko kay Charles kung anong totoo? Bigla nalang lumabas sa bibig kong walang preno.

WAAAAH! Baka hindi ako makauwi nito mamaya. Hindi ko kayang harapin si Charles.

"O, bakit parang hinahabol ka dyan ng aso?"tanong sa akin ni Sky nang makasalubong ko.

"Ahh...ano kasi, mamaya nalang!"madali kong sabi at nagtuloy ng takbo pabalik sa rooftop.

Andito na ako sa may rooftop, dito muna ako. Ayoko munang bumaba, pagkanagbell na saka ako bababa. Baka mamaya, makasalubong ko pa si Charles. Baka bigla nalang akong malusaw sa harapan niya.

May naririnig akong yapak ng isang tao na paakyat dito sa rooftop. Teka, sino kaya 'yon?

Kinakabahan akong nagpunta sa may hagdan upang silipin kung sino ito.

At pagsilip ko...

"Hi Camille."nakangising bati ni Charles. Na sa tingin mo palang ay alam mong may binabalak na.

Jusme, paano mo nalaman kung nasaan ako? Camille, wala ka ng pupuntahan pa. Corner ka na, yari ka! Kinakabahan ako.

Naglakad ng dahan-dahan si Charles papalapit dito sa akin.

"A...anong ginagawa mo dito?"kabado kong tanong sa kaniya.

"Magpapahangin ako. Bakit, may problema?"sagot nito sa akin.

"W...wala."utal kong sagot.

Akma na akong aalis, nang bigla niyang hinablot ang aking braso at iniharap sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng mata sa mata. Ang mga mata niyang mapang-akit. Teka, anong mapang-akit? Nasisiraan ka na ng ulo Camille!

"Umamin ka nga."seryosong sambit nito sa akin.

"A...anong aaminin ko?"sagot ko rito na hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

"May gusto ka ba sa akin?"diretsang tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko, at mas lalong ikinakabog ng dibdib ko.

"A...ako? Mag...kakagusto sayo? Ew."utal kong palusot. Nagawa ko pa 'tong bagay na 'to sa lagay ko ngayon. Grabe lang.

"E bakit ka nagselos?"tanong nya sakin.

"Sinabi ko ba? Kelan?"pagmamaang-maangan ko pa.

"Oo, kasasabi mo lang kanina duon sa may itaas."sagot nito habang nakaturo sa third floor.

Kasalanan 'to ng bibig kong walang preno.

Unti-unting inilapit ni Charles ang mukha niya sa mukha ko. At ngayon ay 3 inches nalang ang layo. Anong balak gawin nito?

Napapikit ako ng sobra sa kaba nang biglang...

"Whooh!"

Hinipan niya ang mukha ko saka tumawa ng nakakaloko. Mas lalo akong nabwiset.

"BWISIT KAAA!"inis kong sabi rito at nagmadali na sa pagbaba.

CHARLES' POV

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon