Two years later...
CAMILLE'S POV
"Anak, ang ganda-ganda mo!"sambit sa akin ni mama habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.
"Talaga po ba ma?"tanong ko, naninigurado lang.
Madali siyang tumango. "Totoo anak."nakangiting sagot nito. Bigla kong napansin ang namumuong luha nito sa gilid ng kaniyang mga mata.
"Oh, wala pa nga po mama eh, umiiyak ka na."pagbibiro ko.
"Masaya lang ako para sa'yo, dahil natupad na ang isa sa kahilingan mo."nakangiting sambit nito. Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti. Kumuha ako ng tissue at ipinamunas sa luha niya.
Hindi na ako makapaghintay na umakyat sa stage at tanggapin ang diploma at medalya, ang sukli sa aking pagsisikap. Oo, ngayong araw na nga ang graduation namin. Kaya ngayon ay handang-handa na ako.
*TOK *TOK
"Ate, nandiyan na 'yong sasakyan!"malakas na sambit ni Cholo mula sa labas. Inayos na muli ni mama ang kaniyang sarili saka kami sabay na lumabas ng silid, upang makita ang sinasabi ni Cholo.
"Wow!"manghang sambit ko nang makita ang sasakyan na binili ni papa.
"Ayos ba anak? Ang ganda ano?"tanong ni papa.
Agad akong tumango, saka nilapitan ang sasakyan at ininspeksyon. Sa loob ng dalawang taon, tuloy-tuloy ang pagdating sa amin ng maraming blessings, kaya nakapag-ipon si papa. At ngayon ay nakabili na siya ng sasakyan. Nagpapagawa narin si papa ng bahay na permanenteng titirhan namin, para hindi na kami magbayad ng upa. Hindi na sinayang ang pagkakataon, kaya ginamit na namin sa mga importanteng bagay.
"Mag-aalas tres na, umalis na tayo."aya ni mama. Tinawag na namin si Cholo at sumakay na sa sasakyan.
CHARLES' POV
"OMG, you're so handsome talaga kuya. Iba talaga ang lahi ng mga Vigal at Andrada."sambit ni Sophie nang sumilip siya rito sa kwarto ko.
"Magpasalamat tayo kina mama at naging ganito ang itsura natin."sagot ko sa kaniya.
"Charles, anak, ready ka na ba?"tanong ni mama pagkarating niya.
"Yes ma."bahagyang ngiti kong sagot.
"Ang gwapo talaga ng anak ko."puri sa akin ni mama nang pumasok siya rito sa loob.
"Sobrang gwapo ma."pagyayabang ko.
"Oh my gee, biglang humangin."singit ni Sophie. Pinagtawanan lang kami ni mama.
"Handa na ba kayo? Umalis na tayo at baka mahuli pa tayo."sambit ni papa. Tinapos ko na ang pagpapagwapo ko at bumaba na kami.
THIRD PERSON'S POV
Nagsimula nang mapuno ang hotel, kung saan gaganapin ang pagtatapos nina Camille. Ilang sandali pa at magsisimula na ang graduation.
"Bae, asan na kayo?"tanong ni Camille kay Charles sa kabilang linya.
"Kayo ba, nasaan na kayo?"sagot ni Charles.
"Nasa loob na ng hotel sila mama, andito ako sa labas, hinihintay kayo."sambit ni Camille.
"Tumingin ka sa likuran mo."utos ni Charles.
"Saan?"tanong pa ni Camille.
"Sa likuran mo."sagot ni Charles. Tumingin naman si Camille sa kaniyang likuran, mabilis itong lumapit kay Charles at ito ay niyakap.
![](https://img.wattpad.com/cover/85421136-288-k93273.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Ficção AdolescenteDate created: September 2016 ©Bianczx