CHAPTER 46 ❤ SICK

42.6K 1.1K 154
                                    

CAMILLE'S POV

Ilang oras na ang lumilipas at malapit nang matapos ang klase, pero si Charles ay wala parin hanggang ngayon. Mayroon kaming project na kailangan agad tapusin, pero nasaan siya? Wala, kailangan namin ng tulong niya para matapos kaagad.

"Nasaan na ba 'yang si Charles? Hindi na pumasok 'yon ah?"sambit ni Lawrence na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat nalang ako dahil wala rin naman akong maisasagot.

KRIIING!

"Class dismiss."pagtatapos ni Mr. Reyes. Nagsitayuan na kami at inayos ang aming mga gamit.

"Sa library tayo."aya ko sa kanila. Sumunod naman sila kaagad sa akin.

Nagpakabusy na ako pagkarating namin sa library, sinimulan ko nang gawin ang dapat kong gawin para makatapos kami kaagad.

"Ipasa niyo sa akin 'yan tomorrow, 7 am."sambit ni Ms. Bas nang silipin niya kami.

"Opo."sagot naming lahat.

"Kilala niyo ba ang sumunog ng project niyo?"tanong pa nito sa amin. Ngunit umiling kami. Talagang pinagplanuhan ang pagsunog sa project namin, naka-cap na, balot na balot pa ng jacket. Napansin rin namin na may mask pala siyang suot.

"Osige, malalaman at malalaman din natin 'yan. Gusto ko man kayong bigyan ng dalawang araw, kaso magrereklamo ang iba. Dahil nangyari narin sa kanila ang magkaroon ng ganyang insidente, isang araw lang ang ibinigay ko sa kanila. Sana ay maintindihan ninyo."pagpapaliwanag pa nito. Nginitian nalang namin siya at nagpaalam na siya.

"Before 7 pm umuwi na kayo ha, madilim na 'yon."paalala pa nito sa amin. Tumango nalang kami.

To: 09155432101

Kung nasaan ka man, bumalik ka dito sa school, sa may library. Kailangan ka namin, kailangan nating tapusin ang project natin.

Sent! Nagtext narin ako kila papa na gagabihin ako ng pag-uwi dahil may kailangan kaming tapusin.

GAWA

GAWA

GAWA

GAWA

Makalipas ang ilang oras...

"Camille. Camille"rinig kong tawag sa akin ni Odessa. Iminulat ko na ang mga mata ko, nakatulog na pala ako.

"Anong oras na?"tanong ko sa kaniya saka nag-inat.

"7:30 pm na. Nakatulog narin 'yong dalawa."sagot nito sa akin. Ginising na namin sina Sky at Lawrence para makauwi na kami.

"Kumain muna tayo, nagugutom na ako eh."anyaya ni Lawrence. Pagdating talaga sa pagkain, siya ang top 1. Sumang-ayon naman kami sa kagustuhan niya, tutal gabi narin naman at hindi pa kami kumakain.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon