SOPHIE'S POV
I was about to go upstairs nang marinig ko ang ugong ng sasakyan ni kuya, kaya lumabas ako upang salubungin sila.
"Hey! The two of you! Where have you been?"tanong ko kina Kuya Charles at Ate Camille. Hinarangan ko muna ang pintuan nang panandalian.
"It's none of your business."kaswal na sagot ni kuya saka ako pinaalis sa may pintuan. Sunod namang ipinasok ni manong ang mga pinamili nila. Paintings, paints and some bibelot.
"Gusto mo Sophie?"alok sa akin ni Ate Camille ng J.Co Donuts. One of my favorite donuts. "Thanks, but I'm on a diet."tanggi ko. Nagpauna nang pumasok si Ate Camille sa loob, kaya sinundan ko siya at nagtanong.
"Saan kayo galing Ate Camille?"tanong ko. "Ah...sa mall."sagot nito. "As in kayong dalawa lang?"tanong ko pa ulit. "May kasama pa kaming isa..."napatakip siya sa kaniyang bibig at nanlaki pa ng bahagya ang kaniyang mga mata. "Hindi ako nakapagpaalam."mahinang sambit nito. Kanino naman siya hindi nakapagpaalam? I didn't bother to ask her again.
"I smell something fishy."makahulugang sabi ko. Ito namang si Ate Camille ay tila may nilalanghap. "Why?"tanong ko pa. "May nagluluto ba ng isda?"takang tanong nito. "What I mean is, may nangyayaring kakaiba."singhal ko. "Ay sorry."paumanhin nito.
I decided to go upstairs na, kaya nagpaalam na ako na ako'y magpapahinga na.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, kinuha ko ang laptop ko at binuksan ito. "You're so handsome talaga."banggit ko habang sinasalat ang screen ng laptop.
"Sophie."banggit sa aking pangalan, kaya isinara ko kaagad ang laptop ko. Nang tumingin ako sa may pintuan, nasilayan ko ang kabuuan ni Ate Camille na para pang nagulat sa kaniyang nakita. "Nakita mo?"tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan pa itong tumango.
"Pasensya na, hindi ko sinasadya. Kakatok sana ako, kaso nakabukas ang pintuan mo. Kaya sumilip ako."agad nitong paliwanag. "It's okay."sabi ko nalang. Tutal nakita naman na niya eh.
"Ate Camille, I will tell you something. But, don't tell anybody about this."sabi ko at saka siya inanyayahan na maupo sa bed ko. "Can you promise me?"ulit ko pa. Tumango naman siya. "Crush ko si Kuya Sky."pag-amin ko. Siya 'yong wallpaper ko sa laptop ko, na nakita ni Ate Camille. "Talaga?"tanong pa niya.
"Gagawin ko bang wallpaper ang picture niya kung hindi ko siya hinahangaan? Psh."sagot ko sa kaniya. "Akala ko kasi may namamagitan na sa inyo eh."sabi pa nito na ikinagulat ko ng kaunti. "Kaso walang ganon. Walang kami. Para sa kaniya, schoolmates lang kami."malungkot kong sabi.
"Malay mo naman diba, hindi mo alam na may gusto pala siya sa iyo."pagpapagaan ng loob nito sa akin. "Ano nga palang sasabihin mo Ate Camille?"pag-iiba ko ng usapan.
"May bago kasi akong cellphone, hindi ko pa alam kung paano gamitin."sagot nito saka kinuha mula sa bulsa ang kaniyang telepono. "Wow! That's the latest iPhone. Pareho kayo ni kuya."manghang komento ko. Grabe, nirerequest ko 'yan kay papa. Hanggang ngayon wala parin.
"Binili ba para sayo 'yan ni Tito Berto?"tanong ko pa. "Hindi."sagot nito. "Eh sino?"tanong ko pa. "Huwag kang magagalit kapag sinabi ko sa 'yo ha?"pagkukumpirma pa nito. Bakit naman ako magagalit? Tumango nalang ako.
"Regalo sa akin 'to ni Sky."sagot nito na ikinagulat ko. "I envy you."paghanga ko. Buti pa siya.
CHARLES' POV
Nandito ako sa may walk-in closet ko, inaayos ang mga bagay na dapat nang itapon. Mga bagay na wala nang kwenta. Binuksan ko ang isa sa mga cabinet dito. "Dapat na kitang ibalik sa kaniya."sambit ko habang nakatingin sa mga gamit ni Nadine na nandito parin. Dahil hindi ko pa mapagdesisyunan na ibalik sa kaniya dati, pero ngayon desidido na ako.
Ang sabi nga, kung gusto mo nang makalimot at makausad, itaboy mo na lahat ng bagay na makapagpapaalala sa taong gusto mo nang makalimutan.
Kumuha ako ng isang balikbayan box at inilagay roon lahat ng gamit ni Nadine. At saka ko ito dinala sa baba at ikinarga sa likuran ng sasakyan ko.
Alas-nuebe na ng gabi, siguro naman ay gising pa siya. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pagda-drive at nakarating na ako sa bahay nila. Ngayon nalang ulit ako nakarating rito. Idinial ko ang cellphone number ni Nadine...
[Hello.]
"Andito ako sa tapat ng bahay niyo, may ibabalik lang ako sayo."
[Sige, bababa na ako.]
Ibinaba ko na ang telepono at hinintay siya na makalabas dito. "Charles."sambit nito sa aking ngalan. Kinuha ko na ang box mula sa likuran ng aking sasakyan at inilapag ito sa kaniyang harapan. "Ano 'to?"takang tanong nito. "Mga gamit mo, inaayos ko ang kwarto ko at nakita ko ang mga iyan. Kaya naisipan kong ibalik na 'yan sayo."paliwanag ko.
"Salamat sa pagbalik nito."tanging sagot niya. "Sige, mauuna na ako."paalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at sumakay na ako sa aking sasakyan at umuwi.
CAMILLE'S POV
May pagtingin pala si Sophie kay Sky, kaya naman pala background picture nito sa laptop ang larawan ni Sky. Hindi ko talaga sinasadya na tignan ang laptop niya, kaso kitang-kita kasi eh.
Nagpaturo ako kay Sophie kung paano gamitin ang cellphone na ibinigay sa akin. Nagpaturo kung paano gumamit ng facebook ( Camille Ocampo)
[A/N: singit lang po. Mayroon na po talaga siyang facebook account. Yun lang po. ^-^]
Pagkatapos non ay nagpaalam na ako upang makapagpahinga na. Ilang saglit ko pang kinakalikot ang aking cellphone dahil wala namang pasok kinabukasan.
"Wow, ang sarap naman nito."manghang sabi ko habang pinapanood ang isang video kung saan ay nagluluto ng pagkain. Meron kaya nito sa baba?
Napagdesisyunan kong bumaba at tignan ang ref kung may pagkain, nagcrave ako bigla. Sakto, mayroong cake. Kumuha ako nito ng kaunti. "Wah."singhal ko dahil sa sarap nito.
*BEEP *BEEP
Rinig kong busina ng sasakyan, sino kaya iyon? Sumilip ako sa may bintana, at sasakyan ni Charles ang nasilayan ko. Pinatay ko kaagad ang lahat ng ilaw.
"Ba't patay lahat ng ilaw?"rinig kong sambit ni Charles. "CHARLES."pabulong na tawag ko na tila ay nananakot. Bigla itong napayakap sa sarili niya at napailing. "CHARLES."tawag ko pang muli. Nakakatuwa ang reaksyon niya.
Agad itong dumiretso sa kusina at binuksan ang ilaw, kumuha ng baso at tubig saka uminom. Dahan-dahan akong lumapit sa may likuran niya at biglang tinapik ang balikat niya.
Naibuga niya ang kaniyang iniinom. "Siraulo ka ba?"galit na sabi nito. Pero ito ako at pinagtatawanan lang siya. HAHAHA! "Ikaw din 'yong tumatawag sa akin kanina ano?"tanong pa niya. Sumagot lang ako gamit ang kilay ko, sa pagtaas at pagbaba nito.
"Saan ka nanggaling?"pag-iiba ko. "Bakit mo itinatanong?"sagot nito. "Wala lang."sagot ko. "Kina Nadine."dagdag nito. Hindi na ako nagtanong pa, at baka mainis lang sa akin. Pero, ano kaya ang ginawa niya kina Nadine.
"Bukas tutulungan mo ako."salita nito. "Saan?"pagkatapos kong kumagat ng cake. "Babaguhin natin ang kwarto ko."sagot nito at saka kumuha din ng cake mula sa ref. "Sige."sagot ko nalang at nagpatuloy sa pagkain ng cake.
![](https://img.wattpad.com/cover/85421136-288-k93273.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx