CHAPTER 57 ♥ HOME

102K 3K 572
                                    

Three months later...

CAMILLE'S POV

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko dito sa hotel, dahil maya-maya lang ay susunduin na ako ni Ms. Song. Makakauwi narin ako sa Pilipinas. Tawag na nga ng tawag si Charles eh, hindi na mapakali. Mas sabik pa kaysa sa mga magulang ko. Tsk.

KRIIIING!

Bae Calling...

Ayan na naman, subukan ko kayang hindi sagutin? Hinayaan ko lang na mag-ring ang telepono ko hanggang sa mamatay ito.

Gusto ko sana siyang i-surprise, kaso tawag naman ng tawag. Paano naman kaya 'yon.

*TOK *TOK

"Ms. Ocampo."tawag sa akin ni Ms. Song. Agad na akong tumayo at binuksan ang pintuan. "Are you ready?"tanong niya nang mabuksan ko ang pintuan.

"Yes!"nakangiting sagot ko. "The car is waiting for us, go get your things so we can leave."sambit niya at dinala na ang iba kong gamit, saka nagpatiuna na sa paglakad.

Agad ko nang kinuha ang iba ko pang mga gamit at sumunod na sa baba.

Kahapon ay nagkaroon ng recognition para sa mga exchange students, sobrang saya ko dahil marami akong maiuuwing awards sa Williams Academy at sa pamilya ko.

Sa Pilipinas...

CHARLES' POV

Kanina pa ako tawag ng tawag kay Camille pero hindi niya sinasagot, masyado ba siyang busy para hindi masagot ang mga tawag ko? Nakapagtatampo. Itatanong ko pa naman sana kung anong oras ang flight niya para masundo ko siya.

"Kuya, tulungan mo naman kami mag-ayos sa multipurpose hall."sambit sa akin ni Sophie na may dala-dalang box.

"Bakit, anong meron?"tanong ko sa kaniya.

"Magpapa-party sila Mr. Reyes para kay Ate Camille pagbalik niya dito."sagot niya.

"Sige, susunod nalang ako."sambit ko. Nagtuloy na sa paglalakad si Sophie.

Nagpunta na ako sa itaas, sinilip kung ano ang ginagawa nila. Abalang-abala ang lahat sa pag-aayos. Talagang kailangan nilang paghandaan ang pagbabalik ng mahal ko, dahil hinakot niya ang mga awards sa SoKor.

"Sobra ang pasasalamat namin kay Ms. Ocampo, dahil first time ng WA na makahakot ng awards sa exchange student program, nang dahil sa kaniya."masiglang sambit ni Mr. Jackson sa kausap niya. Napangiti nalang ako nang marinig ko ito, you did a great job mahal ko.

'Yong kapalit ni Camille ay lumipad narin pabalik ng SoKor kahapon.

Nagsimula na akong tumulong sa pag-aayos dito sa multipurpose hall.

NADINE'S POV

"Milliseth."tawag ko. Lumingon naman siya kaagad dito sa akin.

"Oh Nadine, anong maipaglilingkod ko sa'yo?"nakangising sagot niya sa akin.

"Gusto kong makipagtulungan sa'yo."sambit ko sa kaniya na ikinaliwanag ng mukha niya. Alam kong alam niya ang ibig sabihin ko, 'yong about kay Camille.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon