Chapter 15

137K 4K 165
                                    

CAMILLE'S POV

Mahihiga na sana ako kaso may narinig akong ingay galing sa kabila, doon sa kwarto ni Charles. Kaya bumangon ako at lumabas para puntahan siya. 

Kinatok ko agad ang pinto ng kwarto niya.

Kaya lang, hindi siya sumasagot.

Sinubukan ko ulit kumatok ng ilang beses.

Wala pa ring sumasagot. Pinihit ko na lang 'yung doorknob. Bahagya pa 'kong nagulat nang hindi 'yon naka-lock. Mahilig kasi mag-lock ng pinto si Charles kaya hindi ko inasahan na bukas 'yon.  

Pagbukas ko, nakita ko siya na nakalugmok sa sahig at duguan ang kaliwang kamay. Tulo pa nang tulo ang luha niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nilapitan ko siya at sinuri ang sugat niya, kaso tinanggal niya ang kamay ko. 

"Ano ba'ng nangyari sa 'yo?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit ba nandito ka? Ano ba'ng pake mo?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Pupunta ba ako dito kung wala akong pake sa 'yo? May pake pa rin ako sa 'yo kahit na ang sama-sama mo sa 'kin. Kahit na iniwan mo 'ko kanina!" Sagot ko sa kaniya. Grinab ko na 'yung opportunity na makapag-rant sa pang-iiwan niya sa akin!

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. 

Bigla niya akong niyakap saka siya humagulgol sa pag-iyak. 

Hindi na ako nagsalita at hinagod na lang ang likuran niya. Sinabi na't kaya masama ang ugali nito dahil may pinagdadaanan siya.

Lumipas pa ang ilang segundo at bumitaw na rin siya.

"Hindi ko 'to dapat ginagawa." Mahinang sambit niya habang pinupunasan ang luha niya, saka siya tumingin sa akin. "Pwede mo ba akong tulungan?" Sinserong tanong niya.

"Saan ba?" Naupo ako nang ayos sa lapag para magkapantay kaming dalawa.

"Pwede mo ba 'kong tulungan kay Nadine? Sinusubukan ko namang kalimutan siya, pero hindi ko talaga magawa." 

Pagkatapos niyang sambitin ang mga 'yon, ikwinento niya sa akin 'yung naging dahilan ng paghihiwalay nila at kung bakit galit pa rin sa kaniya si Nadine.

"Susubukan ko siyang kumbinsihin na kausapin ka. Sa ngayon, gamutin muna natin ang sugat mo sa kamay. " Sabi ko sa kaniya saka tinapik ang balikat niya at tumayo na para kunin ang first aid kit.

Naiintindihan ko at naniniwala ako sa mga sinabi ni Charles. Ramdam ko sa pananalita niya na totoo lahat nang sinabi niya. Kitang-kita ko rin sa mata niya kung gaano siya ka-sincere.

Dahan-dahan ko nang nilinisan ang sugat niya sa kamay, napapangiwi pa siya nang kaunti dahil talagang masakit. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagamot ko ang sugat niya. 

"Ayan na." Sambit ko nang matapos ko nang gamutin ang sugat niya. Tumayo na ako at ibinalik ang first aid kit.

"Salamat." Rinig kong salita niya. 

"Wala 'yon." Nakangiting sabi ko at tumuloy na sa paglabas.

Pagbalik ko, nagdala ako ng walis at dust pan para walisin ang mga nabasag na gamit. 

"Do'n ka na sa higaan mo, wawalisin ko na 'tong mga kinalat mo." Utos ko sa kaniya at hindi na siya umangal pa. 

Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na rin ako sa pagliligpit. Hindi na namin inabala ang mga kasambahay nila dahil baka malaman pa nila ang ginawa ni Charles.

"Babalik na ako sa kwarto ko." Paalam ko matapos 'kong magwalis. 

Bago pa ako makalabas, bigla niyang tinabanan ang palapulsuhan ko kaya medyo gulat akong tumingin sa kaniya. Parang nagulat din siya sa ginawa niya.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon