CHAPTER 24 ♥ KABABATA

124K 3.4K 449
                                    

CAMILLE'S POV

KRIIIING!

Nagising ako sa malakas na tunog ng telepono ko, kaya bumangon na ako.

Hala, nakatulog pala ulit ako. Tinignan ko ang orasan at alas-tres na pala ng hapon. Nakakainis talaga pagred days ko, puro ganito ang nangyayari.

Kinuha ko ang telepono ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ito.

"Hello."

[Camille.]boses ng lalaki. Lalo akong nagising dahil pamilyar sa akin ang tinig niya.

"Sino po sila?"

[Aba't kinalimutan mo na ako? Grabe.]

"Pamilyar ho sa akin ang boses mo, pero hindi ko lang maalala kung sino."

[Kinalimutan mo na ang crush mo since grade school?]

"CRUSH?!"napabalikwas ako sa kaniyang sinabi.

[Naaalala mo na ba ako?]

"Ikaw ba si Lawrence?"

[Ako nga ang gwapong iyon. Haha!]

"Kelan ka pa umuwi ng Pilipinas?"

[Nung isang araw pa. Hoy witch, kelan mo balak makipagkita sa akin?]

"Witch mo mukha mo."ang ganda-ganda ko eh.

[Magkita tayo ngayon.]

"Saan?"

[Sa lagi nating pinupuntahan.]

"Sa iba nalang. Lumipat na kami ng bahay, malayo na sa amin 'yon."

[Ba't lumipat na kayo?]

"Long story, nakakatamad magkwento."

[Hindi ka parin talaga nagbabago.]

Akala mo lang 'yon. "Talagang ganon."

[Sa ano nalang tayo magkita, ^^^^^^^^^]

"Sige. Bye na."

[Siputin mo ako mamaya ha.]

"Oo na."huling sambit ko saka ibinaba ang telepono.

Ano ba naman 'yan, nakakatamad pa naman kumilos. By the way, siya nga pala si Lawrence. Friend ko since grade school, at the same time crush ko. Kinaibigan niya ako kahit na alam niyang may crush ako sa kaniya, kahit na ganito ang itsura ko.

At ayun nga, WITCH ang tawag niya sa akin. Mukha daw kasi akong mangkukulam. Hindi niya alam ngayon, mambabarang na ako. Babarangin ko siya. HAHAHA!

Iniligpit ko na ang higaan ko at naghanda na para sa pagkikita namin ni Lawrence.

CHARLES' POINT OF VIEW

Hindi ko sinadyang makinig sa usapan ni Camille at nang kausap niya. Paano, ang lakas kasi ng boses.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon