NADINE'S POV
Naisipan kong pumunta sa isang silid dito sa bahay nila Charles, kung saan lagi naming pinagtatambayan. Isang lugar kung saan, inilaan niya para sa mga memories namin.
Andito na ako sa tapat ng pinto, at may nakapaskil dito...
"NO ONE IS ALLOWED TO GO IN HERE, SO DON'T EVER TRY TO OPEN THE DOOR."
Wala namang nakalagay na ganyan dati dito, pero susuwayin ko muna kasi gusto kong makita ulit 'yong loob nito.
Pinihit ko ang doorknob at pumasok dito sa loob.
Nakakaiyak naman, wala paring nagbago dito sa loob. Ganoon parin ang ayos, ako laging nag-aayos dito kaya ayaw ipagalaw ni Charles sa mga maids nila.
CAMILLE'S POV
"Ba't antagal ni Nadine?"tanong ko kina Lawrence at Sky. Kanina nuong bumaba kami hindi namin siya nakita, saan kaya siya nagpunta?
"Ewan."sagot nila. Ang tagal naman niya.
"Guys, bababa lang ako saglit ha."paalam ko sa kanila sa akma nang pipihitin ang doorknob.
"Hep hep hep! Akala ko masakit ulo mo kaya ayaw mong mamasyal?"pigil sa akin ni Lawrence.
"Hoy, may sakit ka ba? Ha? Kanina lang bumaba ako ah."salungat ko sa kaniya.
"Sabi ko nga."sagot niya at umalis na sa daanan.
"Bibili lang ako ng makakain natin."paalam ni Sky bago pa man ako makalabas.
"Sige, isama mo si Lawrence."sabi ko pa.
"Ayaw mo bang nandito ako?"tanong ni Lawrence na para pang nagtatampo.
"Tampo ka na niyan? Psh, 'di bagay sayo. Saka hindi naman sa ayaw, baka kasi maraming bibilhin si Sky hindi niya makayanan. Diba Sky?"sabi ko nalang.
"Oo nga, 'wag ka nang mag-inarte pa. Sumama ka na."pagsang-ayon ni Sky.
"Pinagtulungan niyo pa talaga ako ha?"murmur ni Lawrence.
"Sige na, alis na."pilit ko sa kaniya. Sasama din pala, andami pang arte eh. Sumabay na akong bumaba sa kanila, hahanapin ko si Nadine.
"Manang, nakita niyo ho ba si Nadine?"tanong ko kay Manang Teresa na nasa kusina.
"Kanina ho nandito siya, tapos umalis pumunta sa banda roon."sagot ni manang saka itinuro kung nasaan si Nadine.
"Sige po, salamat."pasalamat ko saka pinuntahan 'yong itinuro ni manang. Nakita ko 'yong isang pinto na nakaawang kaya pinuntahan ko ito at sinilip. May ganito palang silid dito?
"Nadine!"gulat na sabi ko nang makita ko si Nadine, agad ko siyang nilapitan. Nanghihina si Nadine at kinakapos sa paghinga.
"Nadine, anong nangyayari sayo?"nag-aalalang tanong ko sa kaniya, habang nakaalalay sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Ficção AdolescenteDate created: September 2016 ©Bianczx