Chapter 16

133K 3.8K 599
                                    

CHARLES' POV

Sadya ba talagang pinagtatagpo kaming dalawa? Kailangan ba ay ganito lagi?

"Umalis na tayo rito." Sambit ko kay Camille saka tumayo na. Sumunod naman agad siya dahil alam niya kung ano ang nangyayari. Mabilis na akong naglakad papunta sa sasakyan, ganoon din si Camille. Pagkasakay namin, pinaandar ko na agad ang kotse at umuwi na kami. 

Naging tahimik ang atmospira sa pagitan naming dalawa hanggang sa makarating kami ng bahay.

Pasensya na, talagang hindi ko lang kaya na tignan silang magkasamang dalawa.

Nandito na ako sa kwarto ko at nakahiga, pinagmamasdan ang bagay na nakalagay sa may kisame. Ang litrato namin ni Nadine na gawa sa mosaic.

Ano ba ang dapat kong gawin para makausad na ako? Hindi ko alam kung paano. Napakahirap, lalo na't palagi ko silang nakikita.

Napagdesisyunan kong bumaba na lang muna. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mukha niya.

Pagkababa ko, may narinig akong  kumakanta habang naggigitara. Pamilyar ang boses niya.

"Can you imagine what would happen
If we could have any dream
I wish this moment was ours to
Own it and that it would never leave." Sinundan ko 'yung tunog na 'yon. Napakaganda ng boses. Malamig sa pandinig.

"Then I would thank that star
That made our wish come true
Oh yea cause he
Knows that where you are
Is where I should be too." Hanggang sa makarating ako sa garden. Hindi pa ako tuluyang nakalalabas doon, pero pansin ko na agad 'yung babaeng nakatalikod habang naggigitara.

"Right here, right now
I'm looking at you and my
Heart loves the view cuz
You mean everything
(Everything)
Right here
I'll promise you somehow
That tomorrow can wait
For some other day to be
(To be) but right now
There's you and me." Napakunot kaagad ang noo ko nang makita ko si Camille.

Parang imposible naman na siya 'yung kumakanta, e, pandelubyo boses niya!

Nandito lang ako sa gilid at nagtatago para hindi niya ako makita.





CAMILLE'S POV

Nandito ako sa may garden, nagmumuni-muni mag-isa habang kumakanta at naggigitara.

Maganda naman talaga ang boses ko, pumapangit lang talaga kapag tinotopak ako. 

Bigla akong napatingin sa paligid ko, pakiramdam ko kasi may tao.

May nakatingin yata sa akin? Nanunuod? Inilibot ko pa ulit ang paningin ko pero wala naman akong nakita. "Sino kaya 'yon?" Mahinang sambit ko.

"Camiiiiiille..."

Bigla akong kinilabutan. Alam niyo 'yung puro hangin na boses gano'n, hindi ko maipaliwanag.

"Camille."Nawala ang pangingilabot ko nang biglang lumabas si Charles. Siya lang pala 'yung nananakot, akala ko kung sino na!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Syempre, bahay namin 'to kaya nandito ako." Pilosopong sagot nito.

"Ang pilosopo mo din ano?"

"Ikaw ba talaga 'yung kumakanta?" Kunwaring tanong nito at napakamot pa nang kaunti sa sentido.

"Oo, wala namang ibang tao dito eh."

"Baka may sumanib lang sa 'yo kaya gan'yan kaganda boses mo."

Grabe ha, may sumanib agad?

"Alam ko namang pandelubyo ang boses ko, pero hindi talaga 'yon. Psh."

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon