CAMILLE'S POV
"Bayad po."abot ko sa aming bayad. Nakasakay na kami ng jeep, pahinto-hinto nga lang dahil maraming sumasakay at bumababa.
"Antagal naman."mahinang pagrereklamo ni Charles.
"Lumipad ka na kaya, para makauwi ka na."pabalang kong sagot sa kaniya. Hindi kasi marunong maghintay. Hindi naman 'to katulad ng taxi na iilan lang ang nakasakay.
BIGLANG KUMULOG...
"Kumanta ka na naman ba?"tanong nito sa akin.
"Hindi, bakit?"sagot ko naman.
"Akala ko kumanta ka na naman, paano kasi kumulog."sabi pa niya. Sumusobra ka na lalaki!
"Para po."sambit ko dahil narito na kami sa may kanto. Tumigil na ang jeep at kami ay bumaba na.
Saktong pagbaba namin ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya sumilong muna kami sa gilid.
"Hays ba't ngayon pa! Malas ka talaga Camille."inis na sambit ni Charles, saka tinanggal ang pinakacoat ng uniform niya.
"Halika rito, ito nalang ang pwede nating gamitin para di tayo masyadong mabasa."anyaya nito sa akin habang nakatalukbong sa kaniya ang coat.
Nagdadalawang isip pa ako, sisilong ba akong kasama siya o hindi?
"Ano pang hinihintay mo diyan?"tanong niya sa akin. Napagdesisyunan kong sumilong nalang, kaysa mabasa pa ako ng todo.
Inakbayan ako ni Charles at mas idinikit pa sa kaniya.
"B...bakit mo.."hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
"Hindi tayo kasya, kaya wag ka ng magreklamo."sagot nito.
Sinimulan na naming sugurin ang pagkalakas-lakas na ulan, tinakbo namin hanggang sa makarating kami sa main gate ng bahay nila Charles. Inabutan kami ng payong ng guard.
"Akina ang susi."hingi ni Charles duon kay manong guard. Agad namang iniabot ito ni manong. "Payungan mo 'ko."baling nito sa akin. Sinundan ko lang siya kung saan siya nagpunta. Nakapunta kami sa may gilid, kinuha niya ang isang motor na nakapark roon, at saka niya ito sinakyan.
"Sakay na."utos nito sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay na. Gusto ko naring makauwi at magpahinga.
"Kumapit ka, ayusin mo ang paghawak sa payong."muli nitong utos at ginawa ko naman. Sinimulan na nitong paandarin ang motor, binaybay na namin ang daan patungo sa kanilang bahay. Hindi ko inasahan na marunong palang magmotor si Charles, akala ko hanggang kotse lang siya.
---
Nandito na ako sa kwarto ko, umakyat na ako kaagad nang makarating kami upang makaligo ako at makapagpalit.
Pansin ko sa araw na 'to, kahit na anong iwas ko kay Charles, patuloy parin kaming pinagtatagpo. Andaming nangyari sa araw na 'to.
Chinarge ko na ang telepono ko, pagkatapos ay binuksan ko ang facebook ko at nakita ko na may message.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Fiksi RemajaDate created: September 2016 ©Bianczx