CHAPTER 49 ♥ CAMPING #1

48.2K 1.3K 227
                                    

Camping...

CAMILLE'S POV

5 am.

Nandito na ang lahat ng estudyante sa school, pati ang mga bus. Hinihintay nalang namin na mai-ayos ang seats.

"Guys!"rinig naming sambit ng pamilyar na boses ni Nadine, kaya nilingon namin siya.

"Bakit wala ka nung isang araw?"tanong ko sa kaniya ng makalapit siya.

"Sumama kasi ang pakiramdam ko."sagot naman niya. Kasunod niya sa likuran si James. Tumango-tango nalang ako.

"Bus 5, Camille's team!"anunsyo ni Mr. Agustin. Binitbit na namin ang aming mga gamit at sumakay na sa bus. Ang ibang gamit ay inilagay sa compartment.

Duon ako naupo sa may likuran, sa may pinakagilid. Sumunod naman ang tatlong pugo. Tatabihan sana ako ni Charles, kaso naunahan siya ni Lawrence. Sumenyas na naman siya sa dalawa ng 2-1-1.

Tumabi nalang si Sky kay Sophie, si James naman ay pinalipat ni Nadine sa tabi ni Odessa, kaya wala ng choice si Charles kundi tumabi kay Nadine, dahil ito nalang ang vacant. Ayaw naman niyang lumayo sa amin, mapupunta siya sa harapan pagnagkataon.

Nanalangin muna kami bago lumarga.

"Mayroon tayong madadaanan na supermarket mamaya, at pipili ang team leader niyo kung sino ang makakasama niya na bumili ng mga kailangan niyo. Isa lang ang pwede niyang isama. Kaya, ilista niyo na ngayon ang mga kakailanganin ninyo. Like what I've said yesterday, kayo ang magluluto ng mga kakainin ninyo. Kayo rin ang magpo-provide ng ingredients, kaya pag-usapan niyo na. Remember, ang bibilhin niyo ay sapat para sa isang linggo at sa bilang ng miyembro niyo. Bibigyan lang kayo ng 20 minutes para mamili. At ang mauunang team ay may dagdag puntos."paliwanag ni Ms. Bas. Siya ang naka-assign na teacher sa amin.

"'Yong mga pinag-usapan nalang ba natin kahapon? Okay na ba 'yon?"tanong ko sa kanila. Naglabas narin ako ng papel at ballpen. Bago pa man sila makasagot, nagsalitang muli si Ms. Bas.

"Ms. Monterro, hindi ba't sa bus 4 ka?"tanong ni Ms. Bas.

"Nagpalipat po ako."nakangiting sagot ni Nadine. Tumango-tango nalang si Ms. Bas. Nagpatuloy na ang aming diskusyon. Tumayo na ako upang pumunta sa harapan at magsalita.

"Saan ka pupunta?"tanong sa akin ni Charles, nakalingo siya sa likuran sa amin.

"Pupunta sa harapan."sagot ko. Nagtaka ako dahil tumayo rin siya. "Sasamahan na kita."anyaya niya. Tatayo rin sana ang dalawa, kaso pinigilan sila ni Charles. Sumenyas si Charles ng 2-2-1.

Hindi naman po ako mamamatay pagnatumba ako. Hays.

Nagsalita na ako sa harapan, ilang minuto lang ang itinagal ng aming pinag-usapan at natapos narin. Bumalik na kami sa aming upuan.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon