⁶| SA PANAHON NGAYON

228 24 0
                                    


Sa panahon ngayon,

Sa pangako'y 'wag basta umasa,
Sa "I love You"  ay 'wag agad  magtiwala,
Sa "Ikaw lang at wala ng iba" ay 'di dapat magpabola
Dahil sa panahon ngayon,
'Di mo kilala kung sino ang totoo at ang nakasoot lamang ng maskara.

Sa panahon ngayon,

Isang click lang may instant syota na,
Nag friend request lang, ang akala'y crush ka na,
Nag "Hi!" lang natutulala ka na,
Dahil sa panahon ngayon
Uso na ang assumera.

Sa panahon ngayon,

Di na kailangan ang diary,
Sa facebook ika'y naglalagi,
Sa twitter saluubi'y binubunyag ng walang pasubali,
Sa instagram, todo post ng mukhang puro kolorete.
Dahil sa panahon ngayon,
Sa wifi ng kapitbahay kaligayaha'y nakasalalay.

Sa panahon ngayon,

Maraming kabataan ang limot na ang pagpapahalaga sa sinauna,
Dahil ika nga nila "Past is Past" na,
Mga  utos ni Inay, halos 'di na alintana,
Mga payo ni Itay, tumatagos na lang sa t'nga,
Malasakit sa bansa'y bihira mong makita,
Dahil sa panahon ngayon,
Nag-aabang na lang sa kong ano ang trending sa social media.

Sa panahon ngayon,

Halos 'di na kilala ang sariling kultura,
Sa K-Pop at hollywwod actors buong puso'y nagpapantasya,
Mga kantang banyaga ay memoryado pa nila,
Ngunit mga letra nang awiting pambansa, nakaligtaan na.
Dahil sa panahon ngayon...
Kabataa'y nilalamon na nang makabagong sistema.

Ako'y nagigimbal sa aking nakikita.
Hindi ba kayo natatakot na kulturang Pilipino
ay bigla na lang mawala?
Sa paggising sa umaga, 'di mo na maririning sariling wika
dahil wikang banyaga ay namayani na.
Mga bayani'y limot na kaakibat ang mga nagawa?
Tatanungin pa kung bakit nakaupo lang si Mabini,
Lumpo ba siya o tinatamad lang talaga.

Hindi naman masama ang mahumaling sa iba
Basta't 'wag lang nating limutin na tayo'y Pilipino at sadyang pinagpala,
May sariling talento na dapat linangin at ipakita,
May orihinal na likha at 'di lamang namimirata sa kulturang banyaga.

Alalahanin natin ang isang linya sa ating awiting pambansa,
"Ang mamatay ng dahil sa'yo" ay 'di nangangahulugang buhay ay kitilin
Subalit isang paalala na si Inang Bayan ay 'wag nating abandunahin.
Isinilang tayo sa bansang Pilipinas,
Sana pagdating ng dapithapon ay manatili tayong Pilipino sa puso't diwa.

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon