I
Isang butil ng luha mula sa langit
Kristal ang kulay ngunit di malagkit
Minsa'y malalaki, minsa'y maliliit
'Di ko mawari kung may umiiyak ba sa langit
II
Nagagalit ba ang Diyos kaya siya tumatangis?
O kaya'y natutuwa sa mga halamang nais?
O 'dili kaya'y napapagod kaya naghulog ng pawis.
Siguro'y may humahalakhak kaya laway ay tumalsik
III
Sa lakas ng luhang binuhos sa lupa
May isang delubyo na buhay ang kinuha
Wala na rin ang tahanan, ang munti kong dampa
Nawasak ang ilog, batis at sapa
IV
Sa mahinang luha na dala'y biyaya
Sa tao't halaman, sa tigang na lupa
Magsasaka sa bukirin ay nagsipaglaya
Nagtanim ng palay sa lupang sagana.
V
Saya at lungkot dulot ng luha
Isang paraan lang upang kalungkuta'y maparam
Alagaan at mahalin ang ating kalikasan
Upag huwag gantihan ng luha ng kalangitan.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...