Ibong mandaragit
sa dakong silangan
Taglay ang kalasag
sa digmaan
Minsan siyang nabihag
ng mga dayuhan.
Dayuhang umalipusta
sa kariktan niyang tangan.Dugo ang ipinusta,
sa madilim na piitan
Nagpakaalipin,
dangal ay nayurakan
Sa nagdaang panahon,
natutong lumaban,
Ikinampay ang pakpak,
humayo kahit sugatan.Si Malaya,
malakas man
ay may taglay na kahinaan
Ngunit gagawin lahat
upang inakay ay mapatahan.Si Malaya,
naniwalang siya'y malaya na
Ngunit paano
kung 'di lang pala sa banyaga
kailangang lumaya
Paano kung kauri mismo
ang aalila sa kanya?
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...