Hindi lahat nang nakangiti
MASAYA
Ang iba'y ngumingiti para
maikubli ang luha
.
Hindi lahat nang umiiyak
MALUNGKOT
Ang iba'y naluluha
sa kagalakang nakabalot
.
Hindi lahat nang lumalaban
MATAPANG
Ang iba'y nagtatapang-tapangan
upang 'wag husgahan ng
mapang-matang lipunan
Naduduwag na harapin
ang katotohan
Katotohang siya'y may
kahinaang tangan
.
Hindi lahat nang sumusuko
DUWAG
Ang iba'y piniling sumuko
dahil 'yon ang makabubuti
sa karamihan
Mas pipiliin niyang masaktan
kaysa sarili'y ipagsiksikan
Gano'n siya katapang para
ipaubaya ang dapat ay sa kanya
lamang
.
Hindi lahat nang iniwan
BIKTIMA
Ang iba'y karapat-dapat bitiwan
dahil nakakasakal na
.
Hindi lahat nang nang-iwan
MASAMA
Ang iba'y bumitaw
para sa pagdurusa'y kumawala
.
Hindi lahat nang tahimik
MABUTI
Ang iba'y may tinatagong kati
.
Hindi lahat nang maingay
TAMBAY
Ang iba'y nag-iingay
upang kilisin ang lumbay
.
Hindi lahat nang pangako
TOTOO
Ang karamihan ay nang-uuto
Hindi lahat nang "I LOVE YOU"
ay para lang sa'yo
Malay mo,
sinasabi niya rin 'yan sa kaibigan mo.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...