Rosas na pula–––
Nasa hardin ni Eba
NanghahalinaTukso bumalot
puso ay umiimbot
dagling dinampot.Kanyang pinitas
mamula-mulang rosas
ganda nalagasNais hawakan
damhin ang rikit
hitik sa tinik.Dugo...duguan
sa palad ay bumaon
tinik na lason.Dugong dumaloy
sa malalim na pilas
gagaling kaya?Sa kabila ng ganda
Huwag kang magpadala
masasaktan ka.Rosas na pula–––
Nasa hardin ni Eba
Nanghahalina.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...