Salitang nais ibulalas ay isinasatitik ,
Bawat taludtod ay hitik,
Mga saknong ay nagsusumiksik,
Isinasatinig ang mga katagang 'di mabanggit.
Ikanga nila'y siya'y naiiba,
Pananaw niya'y kataka-taka.
Karanasang kay pait, binibigyang rikit
Bagay na 'di tugma'y pinagtutugma-tugma.
Ultimo paglipad ng paru-paro,
Pagkamatay ng gamu-gamo,
at pagkalagas ng dahong tuyo
ay wari'y isang pagsamo.
Gaano man kagulo ang mundo,
nalalapatan pa rin ng tamang ritmo.
Gaano man kadilim ang nilalaman ng puso,
nabibigyan niya ito ng magandang anyo.
Ngunit siya'y tulad mo at nila,
sa pag-ibig ay nagpakatanga,
Nagmahal na animo'y plakang sira,
Paulit-ulit sumugal bandang huli'y lumuha.
Gaano man kaganda ang tulang likha,
Gaano man katugma ang mga kataga,
Gaano man kasaya ang karakter niyang gawa,
Palihim siyang lumuluha habang hawak ang papel at tinta.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...