Kahapon,
kasinsaya natin sila.
Magkahawak kamay habang tinatawid ang kalsada.
Mga salita mo'y sintamis ng yema.
Mga ngiti mo'y sa'kin lang nakalaan sinta.
Kahapon,
wika mo, ako lang talaga.
Humarap pa tayo sa dambana.
Nangangamoy forever na 'di ba?
Ngunit akala ko lang pala.
Kahapon,
nakita kita sa divisoria.
Bitbit mo'y rosas na pula.
Pangiti-ngiti at pasipol-sipol pa.
Akala ko para sa'kin ang surpresa.
Kahapon,
biglang-liko ka sa kanto nila.
Iniabot mo sa kanya ang iyong dala.
Oo, kitang-kita kita.
Umasa akong pagkakaibigan lang ang tingin ni'yo sa isa't-isa.
Ngayon,
hiniling mong palayain na kita.
Sabi mo nasasakal ka na.
Pakiusap mo, "Please, Bitaw na!!!".
Tugon ko, "Bakit? May mali ba akong nagawa?"Ngayon,
heto ako naglalakad mag-isa.
Daig ko pa ang pagkabaliw ni Sisa.
Pumapatak ang luha,
ngunit pilit na ngumingiti kapag may ibang kasama.
Ngayon,
may nakita akong magkahawak kamay sa kalsada.
Dumaan ako sa gitna nila.
Nang makalagpas, sumigaw ako ng kataga,
"Maghihiwalay din kayo! Ipupusta ko pa ang bagong kalandian niya!"
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...