Mabuti pa ang pluma,
lagi kasama ang tinta.
Mabuti pa ang lapis,
may sukbit na pambura.
Mabuti pa ang kutsara,
may tinidor na kapareha.
Pero Ako, wala talagang Siya.
Pinagtagpo
ngunit 'di tinadhana.
Nagkita
ngunit sa iba napunta.
Nagmahalan
ngunit nagmahal din siya ng iba.
Saklap ng kapalaran 'di ba?
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...