Pagmamahalang animo'y taglagas.
Sa umpisa kapara ng luntiang dahong 'di malalagas.
Madikit na nakakapit sa pag-asang may TAYO hanggang wakas.
Sa tangkay ng puno na bagyo ma'y aalpas.
Sa kalagitnaan ng taunang pagpapalit ng panahon,
May malalakas na bagyong pilit tayong itinatapon.
Ngunit 'di patitinag ulan man o ambon.
May pag-asang tangan sa dapithapon.Ngunit katulad ng iba ay gano'n din tayo sinta.
Tadhana ang sa ati'y magdidikta.
Isang umaga sa ilalim ng puno ako'y namulat mag-isa.
Saka ko napagtantong taglagas na pala.
Tiningala ko ang punong dati'y hitik sa dahon.
Ngayo'y wari'y napag-iwanan na ng panahon.
Ang TAYO noon tuluyan nang pinigtas ng hamon.
Taglagas, ang dati'y luntian ngayo'y tuyong dahon.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...