May natatabunan na panambitan
Mistulang bulag at pipi ang karamihan
Wala namang piring ngunit piniling 'wag makakita
Wala namang busal ngunit tinikom ang bunganga.May natatabunan na daing ng hustisya
Bumagsak sa kalsada sa isang kasa
'di man lang pinakinggan ang mga paliwanang
Hinatulan sa isang hukumang hungkag.May natatabunan na pagkasira
Sa pag-usbong ng nagtatayugang gusali
Nabuwal ang mga punong dati'y kahalili
Itim na usok ang pumalit sa tanawing berde.May natatabunan na daing
Pinagsamantalahan ang murang katawan ni Neneng
Sa kabila ng ingay ng videoke sa tindahan
Ang paghingi ng saklolo ay tuluyang nasapawan.May natatabunan na karupukan
Araw gabi'y binubugbog ng katipan
Dahil sa panstasya ng kompletong pamilya
Dugo't latay sa katawan ay 'di niya alintana.May natatabunan na paghihikahos
Sa bawat indayog at nakakadiring haplos
Nakakubli ang pagtangis ni Magdalena
Kapalit ng perang iniaabot sa pamilya.May natatabunan na luha
Ginawang palamuti ang pekeng ngiti
Tinakpan ng kolorete ang mukha
Upang pighati'y maikubli sa madla.May natatabunan na pangarap
Droga, kahirapan, at kawalan ng paglingap
Ang dapat sana'y inaasam na tugatog
Napalitan ng rehas o 'di kaya'y tuluyang pagkalubog.May natatabunan na konsensya
Ang perang nakalaan sa masa ay iba ang nagpakasasa
Ang mga dapat makatanggap ay kumakalam na ang sikmura
Ang mga nakatanggap ay busog-lusog na.May natatabunan na pagdiriwang
Ang kasiyahang nakasanayan ay naparam
Sa isang iglap nag-iba ang inog ng mundo
Nawalan ng saysay ang ating mga luho.Lahat ay may k'wentong natatabunan
Malungkot man ito o kasiyahan
Huwag tayong mawalan ng pag-asang mapakinggan
Tangayin ka man ng agos, magpatuloy ka sa pag sagwan.Lahat tayo'y may natatabunan na panambitan
Iba-iba man ang ating pinagdadaanan
Halos 'di man tayo magkaintindihan
Isipin mong SIYA ay nariyan.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...