tik...
tak...
tik...
tak...
Anas ng de bateryang orasan
Sa isang gabing malamlam
habang nakadayukdok
sa apat na sulok
ng kwartong makipot
tik...
tak...
tik...
tak...
Anas ng de bateryang orasan
Oras na ba para lumisan?
Takasan ang suliraning pasan?
Ngunit bakit?
Paano?
Para saan?
Para kanino?
tik...
tak...
tik...
tak...
Anas ng de bateryang orasan.
ilang oras na ang tumakas.
Ako'y heto pa rin,
nag-iisip ng lunas
Lunas upang apuhapin
ang pagtakas ng dugo sa pilas
Ngunit bakit?
Paano?
Para Saan?
Para kanino?
tik...
tak...
tik...
tak...
Anas ng de bateryang orasan.
'di na dapat pang pakinggan.
Sawa na akong umasa
umasang titigil ito sa pag-ikot
Upang may oras pang magpakipot
Ngunit bakit?
Paano?
Para saan?
Para kanino?
tik...
tak...
tik...
tak...
Anas ng de bateryang orasan
Nakabibingi
Nakagigimbal
Nakababahala
Kahit magtakip pa ng tainga
Paulit-ulit
na parang plakang sira
Ngunit bakit?
Paano?
Para saan?
Para kanino?
tik...
tak...
tik...
tak...
Anas ng de bateryang orasan
Araw gabi'y nagbibilang
Nagbibilang ng bawat hakbang
Hakbang tungo sa daan
Daang 'di ko malirip ang patutunguhan
Ngunit bakit?
Bakit kailangang pakinggan ang anas ng de bateryang orasan?
Paano?
Paano ko malalamang titigil na ito sa pagbibilang?
Para saan?
Para saan ang nakabibingi nitong anas?Para kanino?
Para kanino ako hahakbang? o tatakas na lamang?
Hanggang ngayon
'di ko tanaw ang kasagutan
Kasagutan tungo sa kinabukasan
Kinabukasang hawak
ng de bateryang orasan.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...