⁴| SALAWAHAN

132 26 3
                                    


I

Sa aki'y nanumpa ka na di matutukso

Sa akin ika'y nangako na 'di ako isusuko

Wika mo pa nga sa t'wina na 'di mabibigo

'di ka manloloko at 'di rin magbibiro.

II

Bakit sa t'wina'y pangako'y napapako

Katulad ng plataporma ng mga buwaya sa gobyerno,

'Di ba nila natanto na puso'y nagdurugo

Sa mga salitang malabulaklak ang samyo

Ngunit kaakibat ay lason at sakripisyo

III

'di ba ang dapat ay 'di sila manunuyo

kung 'di buo at dalisay

ang layon ng puso

'di ba marapat lang na magsabi ng totoo

Kung ang tanging nais mo ay nag-aalab na respeto

IV

Sa tula kong ito ay aking napagtanto

Na mga tulad nila'y sadyang mapanukso

Akin ding nakuro na 'di na muling magpapabuyo,

Sa isang salawahan sa damdami't puso.

V

Dapat lang sa kanila'y 'di pinagpapala

Parusang parang ibong nakakulang sa hawla

Kapares ng kriminal na may mabigat na sala

Upang pagdusahan ang pagkakasala.

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon