Pula–––
kulay ng pagsinta
Pusong kulay pula
Rosas na pula
lobong pulaItim–––
tanda ng panimdim
kasawian at kamatayan
pagtakas ng kamalayanPuti–––
kulay ng mabubuti
liwanag sa
dilim ng gabi
Pag-ahon ng
pusong sawiPula––
Itim––
Puti––
Pag-ibig
Kasawian
Pag-ahonAng Buhay ay
'di laging pula,
Karaniwan nasa itim.
Ngunit 'wag hayaang
manatili sa dilim
Matutong ikampay
ang bagwis
bago sumapit
ang takip-silim.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...