38| KUNWARI

74 20 0
                                    

Kunwari kaya ko,

Hindi natatakot

Walang tinatagong lungkot

Babangon sa dulo ng sigalot

'Di diringgin ang mga bantulot.



Kunwari nakangiti,

walang luhang nakakubli

'di nangangailangan ng katabi

'di nalulunod sa pighati.



Kunwari "OKAY LANG AKO"

Kunwari "MASAYA AKO"

Kunwari "MATATAG AKO"

Kunwari "KAYA KONG MAG-ISA"

Kahit pa ang totoo'y

"KAILANGAN KO TALAGA SILA".

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon