Tahan na, lilipas din yanSarili'y 'wag ilugmok sa madilim na nakaraan
Isipin mong 'di lang ikaw ang may suliran
Mas mabigat pa ang kanilang pasan-pasan
.
'Wag mong iyakan ang taong nang-iwan
'Wag umasang ika'y babalikan
Dahil kung mahal ka talaga ng dating katipan
Umpisa pa lang, 'di ka na sana binitawan
.
Pulutin mo ang pusong nagkapira-piraso
'Wag hintayin na sayo'y mayro'ng sasalo
Masayang maging single, sinasabi ko sa'yo
Marami pang taong bubuo sa wasak mong mundo
.
Study first, landi later
Hayaan mong sabihin nilang ika'y bitter
Without him, you are better
Maigi nang maingat than regret later
.
Tahan na, pakawalan mo na
'Di ikaw ang nawalan, pakatandaan sana
Ngumingiti man siya ngayon dahil sa iba
Pasasaan ba't maghihiwalay din sila. ✌
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...