I
Aking tiningala ang tahanan ni Bathala.
Sa aki'y lumathala ang mga matang nagmamakaawa.
Mga matang naghahanap ng lipunang payapa.
Na minsa'y pinaglaban ng mga bayaning dakila.II
Isang ibong naglagalag sa ibabaw ng ulap.
Naghahanap ng tahanan at kamay na lilingap.
Sa kanyang paglipad siya'y tinamaan ng pana.
Ang kawawang ibon, nabuwal sa lupa.III
Ang nilalang na taksil ngumiti sa tuwa.
Biniktima ang ibong nagmamakaawa.
Ngunit nang damputin ang ibong aba
Kinurot ang puso ng nilalang na pumana.IV
Dahil kanyang nasilayan ang sugat ng ibong gala.
Kaniyang ginamot ang ibon mula sa pagdurusa.
Matapos niyang alagaan ay agad itong pinalaya.
Ngunit ang ibon ay bumalik ng kusa
Dahil kanya nang natagpuan ang tahanang inaasam.V
Namangha ang nilalang sa kanyang nakita.
Buong pusong tinanggap ang ibong pinagpala.
At doon niya nakita ang tunay sa tuwa.VI
Ang ibong pinana at ang nilalang na pumana.
Ay simbolo ng lipunang uhaw sa pag-aaruga.
Ang tao'y nagkakamali at nagkakasala
Ngunit pwede pang baguhin ang ugaling 'di tama.VII
Ang tunay na ligaya ay sa pagkalinga sa kapwa
Ang tunay na ligaya ay ang pagtanggap ng pagkakasala
Ang tunay na ligaya ay nasa pagpapatawad ng pusong dakila
Ang tunay na ligaya ay nasa lipunang mapayapa.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...