Kaibigan,
Masakit na ba ang 'yong mata?
Ang iyong mga paa,
nakagagalaw pa ba?
Kaya mo pa bang bumangon
mula sa pagkakahiga?
Ang puso mo
tumitibok pa ba?
O baka naman
gula-gulanit na
Kaibigan,
pagod ka na ba?•
Sige lang,
Ilabas mo 'yan
Isigaw mo!
Hanggang sa mamalat
ang 'yong lalamunan
Ikanta mo!
kahit ika'y pagtinginan
Isuntok mo!
pero 'wag sa pader o sa tao
Ipahihiram ko ang tinta at pluma ko
Hanapin mo ang sagot
sa mga tanong na animo'y bangungot•
Kaibigan,
pagod ka na ba talaga?
Okay lang magpahinga
Basta, 'wag kang sumuko ah
'Wag mong isuko!
dahil ni minsan 'di ka NIYA sinuko
Maraming naghahangad
na masilayan ang ganda ng mundo
Mas'werte ka, mahal ka niya
Mahal ka ng ating AMA•
Kaibigan,
magpahinga ka na
Pero sana bukas bumangon ka
tangan ang bagong pag-asa
Hihintayin kita,
Sabay nating kamtin
ang ating adhika.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...