Musika ano ka nga ba
Na sabi nila'y nanghahalina?
Tunay kaya ang iyong ganda
Na dinidinig sa t'wina?
Ika'y tugtuging mapang-akit
Wari'y huni ng ibong pipit
Ika'y dalisdis ng batis
Hanging sa daho'y naghihinagpis.
Ika'y gamit ni Ina
Upang ipaghele ang anak na sinisinta.
Ika'y lambing ng binata
Sa durungawan ng dalagang katipan.
Sa simbahan man ay nariyan ka
Sa pagsamba sa mahal na Ama.
Umiibig man o luhaan
Ikaw lagi ang ginagawang kublian.
Ika'y kawangis ng orasang
Araw-gabing nagbibilang
Buhos ka rin ng tag-ulan
Sa bukiring natitigang.
Ika'y awit ng isang pipit
Nang hampas ng hangin sa bukid
Ika'y himig ng paligid
Ikaw nga ang musika na bukam-bibig.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...