Sige kaibigan,
ibuhos mo nang tuluyan
Ako'y sabayan sa bigat na pasan-pasan
Sapagkat 'yong mga taong dapat sana'y nariyan
Sila pa ang unang nang-iwan sa kawalan.Sige kaibigan,
'wag kang titila
Sabayan mo ako habang tumutula
Sa bawat patak mo naikukubli ang luha
Naiibsan ang bigat nitong tanikala.Sige kaibigan,
mag-ingay ka pa
Upang 'di marinig ang aking pagngawa
Dahil alam kong 'di sila marunong umunawa
Sa pinagdadaanang unos at sigwa.Sige kaibigan,
ituloy mo ang buhos
Bakasakaling may magsalba sa unos
Magpapasukob sa payong upang makaraos
Hanggang sa 'di ko na kailangan pang mamalimos.Oo kaibigan,
ako'y namalimos
Nang pag-ibig at pag-unawa ngunit tila ba kapos
Sa bawat araw para bang nauupos
Nawalan ng pagkakalilanlan at nagpatangay sa agos.Kaya kaibigan,
huwag ka munang tumila
Habang hindi pa ubos ang saganang luha
Baka nga kapag tuluyan nang bumaha
Saka ko makikita ang mga taong may tunay na pagpapahalaga.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...