Noon,
Naghahabulan sa kalsada
Piko at tumba-lata
Patintero at sipa
Naglulunoy sa sapa
Namimingwit ng isda
•
Ngayon,
Nakatalungko na lamang sa sala
Kamay ay nakaamba
Mata'y nakatutok
Mayro'ng pinasak sa tainga
Sa isang pindot,
Nasa ibang mundo ka na
Mundong kinokontrol
ng mahiwagang wifi
Nang teleponong may sariling buhay
Nang teknolohiyang sa'yo ay tatangay
•
Bukas,
Paano pa kaya bukas?
Anong pagbabago ang aalpas
Magdadala ba ng lunas
o magiging sanhi
ng isang madilim na wakas.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...