Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
Nakaupo sa sulok
ng abandonadong parke
Humihikbi
Nakatanaw sa alapaap
na walang buwan
ngunit may isang bituing
aandap-andap.Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
Isang ngiti
mula sa estrangherong
akala ko'y mandurugas
Ang bituing aandap-andap
mistulang nanunuksong
kulisap.Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
"Tahan na, darating din ang para sa'yo"
wika ng estranghero
Ang bituin
ay kumislap ng todo
animo'y dilag na sinusuyo.
Dagling nawaglit
ang nagbabadyang
delubyo.Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
Nag-umpisa sa pagkakaibigan
Biruan
Tawanan
Ngunit nauwi
sa 'di inaasahan.Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
Umusbong ang pag-iibigan
Pag-iibigang kagyat lamang
pagsapit ng liwanag
ito'y babalik
sa kung ano ang dapat.Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
Ginagawang liwanang ang dilim
Kasawian ng iba
sa kanila'y kaligayahan
Pagtangis ng iba
sa kanila'y ngiti
Kasadlakan ng iba
sa kanila'y pag-ahon.Huwad
Oo, isa siyang huwad
Huwad sa pag-ibig
na kanyang hinangadMang-aagaw
oo, isa siyang mang-aagaw
Nang-agaw ng kaligayahan ng ibaMarumi,
oo, babaeng marumi
Nalimot ang kalinisan niyang tanganMakasalanan,
oo, siya'y nagkasala
Piniling magkasala
para sa sinisintang
'di malaya.Ngunit paano?
Paano kung
totoo ang pagtangi?
Paano kung
sa tingin ng iba'y mali
ngunit para sa kanila'y tama?
Lalayo ba
at hayaang mamatay
ang kinang ng bituin
o maglulunoy
sa ilog ng kasakiman
hanggang sa malunod.Kadiliman
Unti-unti
Paulit-ulit
Kasalanan ay
patuloy na pumulandit
Nagpadala sa
'di masawatang
dalit.Sa pagtama ng
liwanag sa matang
binalot ng dilim
Panaginip..
Oo , panaginip lang.
Isang bangungot
na kay sarap balikan.
Sa piling niya'y
mistulang tama ang mali
Liwanag ang dilim.
Gabi ng pagkakasala
Oh sinisintang
'di malaya!Sa kadiliman––
sila'y nakakubli
Unti-unting
nasisilaw sa kislap
ng bituing dati'y
aandap-andap
Paulit-ulit
ang pangyayari sa abandonadong parke.Isang panaginip...
Isang bangungot...
Gabi ng pagkakasala
naghahanap ng
pupuno ng kinang
upang maging sapat.
Kadiliman...
Paulit-ulit...
Unti-unti...
hanggang sa nakasanayan.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...