¹¹| DALUYONG

88 21 0
                                    

Tanaw sa 'di kalayuan nagkakarerang alon.
Wari'y nagbabadya ng kakaibang hamon.
Pikit-matang pinakiramdaman ang panahon.
Ako kaya'y makakaahon?

-----------------------

Sa gilid ng dalampasigan ang tambayan.
Dinig ang panaghoy ng hanging amihan.
Mga ala-ala'y nag-uunahan,
na para bang daluyong sa karagatan.

-------------------------

Ang daluyong ay kapara ng buhay.
Pabago-bago ang laki at kilos na taglay.
Ngunit iisa lang ang hantungan ng paglalakbay,
sa gilid ng dalampasigan ito'y hihimlay.

-----------------------

Habang nakatanaw sa 'di kalayuan.
Ako'y napaisip na lamang.
Siguro gusto ring tumakas ng mga alon
kaya nagtatakbuhan.
Gustong kumawala sa lugar na wari'y kulungan.

-------------------------

Pero kahit anong pilit magpumiglas.
Kahit gaano kalakas ang hampas.
'Di ito makakaalpas.
Dahil  tanging panahon ang magdidikta ng wakas.


La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon