Ika'y kapara ng tala
na nakalatag sa kalawakan
abot-tanaw man
ngunit 'di ka masumpungan.Hanggang tanaw na lamang
Lihim na naghihintay
'di naman ako mangmang
pero ba't umaasang ika'y mapasakamay.Isang araw makita mo sana
ang munting kislap sa aking mata
ngunit kahit ang dagat
alam na 'di dapat.Itatago na lamang
ang pagtangi kong ito
na mayro'ng ikaw at ako
ngunit ako lang ang may gusto.Dumaan man ang bagyo
o kahit ano pang delubyo
mananatiling "ikaw"
ang bawat pintig ng puso.Tanga na kung tanga
pero 'di ko itatangging "mahal kita"
kahit pa may mahal kang iba
Kaya mananatiling lihim itong aking pagsinta.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...