³¹| TULDOK

92 20 0
                                    

Kung ayaw na niya
Kung bumitaw na siya
Kung nais niyang lumaya
Kung sa piling ng iba
siya'y maligaya
Please lang,
pakawalan mo na
Mahirap magmahal
ng taong may mahal
ng iba

Oo, alam kong mahirap
Masakit
Nakapanghihinayang
Pero gano'n talaga
Lahat ay 'di permanente
Bukas makalawa'y iba na
ang kanyang tinatangi
Nalingat ka lang,
may iba nang humalili.

Oo, napagdaanan ko na 'yan
Ang maiwan
Ang pakiramdam
na ika'y tinalikuran
Ang pagtangis
kasabay ng ulan
Ang pagkalugmok
sa kawalan

Pero sa bawat bagong umaga
Magpapaalala sa'yong magsimula
Bumangon ka!
'wag hayaang buhay ay maaksaya
Darating ang panahong
sasabihin mong
"Tama ka! 'Di siya ang nakatadhana"

May mga taong pinagtagpo
hindi para manatili
Kun'di para magdulot
ng pasakit at ngiti
Bawat estoryang sinimulan
ay magwawakas sa 'di inaasahan
Bawat hinabing taludtod
ay magtatapos sa isang tuldok•

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon