39| HUWAD

60 18 0
                                    

Hawak niya'y kapirasong espejo
May lamat man repleksiyon niya'y klaro
Dilag na kaaya-aya na wari'y dalisay ang puso
Ngunit may pinakatagu-tagong sekreto.

-∆-

Isang nilalang na may dalawang katauhan
Nakalilinlang, nilulukob ng kasinungalingan
Sa likod ng matatamis na ngiti't malulutong na halakhakan,
Nakakubli ang 'sang pusong wasak at duguan.

-∆-

Siya'y huwad at hangal
Piniling takpan ang pusong pagal
Kahit pa luha'y matuyo't boses ay gumaralgal,
'di niya 'to nanaising ipakita sa mga minamahal.

-∆-

Siya'y huwad at makasarili,
Sinasarili ang pinagdadaanang pighati.
Ayaw niyang sa suliran ay may makihati
Mag-isang titiisin ang kalungkutan at hapdi.

-∆-

Siya'y huwad, hangal at makasarili
Nagmahal, ngumiti ngunit humikbi
Umasa, nagpakatanga at nagkamali
Butil ng luha'y patuloy na ikukubli.

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon