Doon ka...
sa taong 'di marunong mangako
Sa gawa pinapabatid ang layon ng puso
Nagpapakatotoo, 'di nangguguyo.Doon ka....
sa taong mukhang loko-loko
pero 'di marunong magloko
Puso'y sa'yo lang sisilakbo
Marunong makontento.Doon ka....
sa taong mahirap
pero marunong lumingap
'Di mapagpanggap
bukas-pusong tumatanggap.Doon ka....
sa taong hahayaan kang tupdin ang mga pangarap mo
Di ka ikukulong sa planong siya lang ang may gusto.Doon ka....
sa taong hahayan kang unahin ang pamilya mo
'Di ka papipiliin kung "sila ba o ako?"Doon ka....
sa taong 'di ka pipigiling lumago
Igigiya ka sa daan patungo sa trono
At maglalahad ng kamay pagdating sa dulo.Pero sa panahon ngayon
may tao pa kayang gano'n
Kung ang mundo'y nilukob na
ng mga taong idolo si Gerald Anderson.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...