Ding dong
Ding dong
Ding dong
Kalimbang sa kailaliman ng gabi
Malamig na hangi'y dumampi
Na nagpatindig ng balahibong
wari'y may sapi
.
Naroon siya,
Nakatanaw
Nag-aabang
Umaasa...
Umaasang babalikan
ng taong nang-iwan
Suot niya ang paboritong saya
Unang regalo ng sinisinta
.
Babaeng nakaputi
Nakatayo sa veranda
Minsa'y umiindayog
sa saliw lambada
Ngunit palagiang
pumapatak ang
pinakatagu-tagong luha
.
Isang haka-haka
Yumanig sa Santa Barbara
Nakaputing dilag sa veranda
Ay ilang taon nang wala
Kaluluwa'y 'di matahimik
Naghihintay sa kanyang
pagbabalik
Ang lalaking nagnakaw ng una
niyang halik.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...