⁴⁴| TELEPONO

72 18 0
                                    

Sa munting ilaw ika'y napukaw
Sa bawat tunog dibdib mo'y kumakalabog
Ano kaya ang ibig ipalahaw
ng 'sang aparatung sa mundo'y nagpapa-inog.

Isang mensahe kaya mula sa pamilya?
Isang komento mula sa 'yong tagahanga?
O dili kaya'y may nag "like" sa 'yong inilathala
O kaya'y may bagong tsismis tungkol sa paborito mong artista.

Kung dati'y pagsakay ng dyipni
tayo'y sa paligid nawiwili,
Ngayo'y pansinin mo halos nakayuko lahat ng pasahero
Habang papindut-pindot sa munting aparatu.
Utak ay lumilipad sa gawa-gawang mundo.

Ilang dekadang nawalay sa mga katoto
Pero noong nagkita-kita'y nakatutok pa rin sa telepono
Imbes na magkagalakan sa mga kuwento
Selfie, groufie at pagla-live sa fb kada segundo.

Sa bawat tahanan noo'y kay sikip ng bigkis
Ngayo'y halos 'di na magtama ang mga mata
Mga payo ni Inay halos 'di na rin alintana
Dahil sa teleponong 'di mo  magamit ng tama.

Huwag ikumpromiso ang angking ganda ng daigdig
Habang nariyan pa, bigyang halaga ang mga nakapaligid
Huwag mong ikulong ang sarili sa isang gilid
habang sinasayang ang oras sa pagpindot at titig.

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon