Minsan ka na nga lang mafall,
'dun pa sa taong 'di na available.
Nais mang pagbigyan ang hiling ng puso traydor.
Pero hiyaw nang nagmamarunong na utak
"'WAG PUMATOL: NAKAMAMATAY".Sa t'wing siya'y alintana,
Puso'y wagas kong magdamba.
Sa t'wing siya'y kasama,
Laging untag na sana'y forever na.
Ang ngiti sa kanyang labi
Ay kapara ng bit'wing nakalatag sa ulap sa kailaliman ng gabi.
Ang mga salitang nag uunahang lumabas sa kanyang bibig,
Ay wari musikang magpapatahan sa lihim mong paghikbi.
Alam mong wala ka ng lugar sa kanyang buhay,
Dahil ito'y sa iba kanya nang inialay
Alam mong hindi mo si'ya pwedeng ituring na pagmamay-ari mo,
Kahit pa damdamin mo'y pilit na nagsusumamo.
Pasulyap-sulyap na lamang mula sa kabilang dako,
Kontento na sa mga ngiting 'di naman para sa'yo.
Ang pagkukubli ng damdamin ay iyo nang naperpekto.
At ang pagtanggap na na-friendzoned ka ng taong iniirog mo.Palihim kang umiibig kahit na one-sided,
Palihim kang nasasaktan kahit wala kang karapatan,
Palihim kang nangangarap na may happily ever after
Palihim kang kumakapit sa ideyang forever do exist.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...