Sa ilalim ng punong mangga,
Saksi ang mga ibong maya,
Sa pag-iibigang 'di raw tama
sa paningin ng iba'y pagkakasala.Sa iyong kandungan nakahiga,
habang nakasilay sa'yong mukha
Mali man ito, wika nila,
Pero bakit parang tama?Sa kailaliman ng gabing malamlam,
Tangan ang gaserang ilawan,
tatahakin ang mapanganib na talahiban,
makarating lang sa dating tagpuan.Ang gabi'y mistulang payapa,
Payapang natutulog sa kanilang dampa,
Ngunit kami'y gising na gising ang diwa,
Sa dating tagpuan, kami'y nagpapakasasa.Saksi ang tahimik na buwan,
ang mga kulisap sa damuhan,
ang baku-bakong daan,
tungo sa dating tagpuan.Sa pagsikat ng araw sa silangan,
oras na para lumisan
Nais mang hilahin ang kamay ng orasan,
Upang muling balikan ang dating tagpuan.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...