27| PAPEL! GUNTING! BATO!

75 19 0
                                    

Papel––
Gunting––
Bato––
Alin sa kanilang tatlo?
Ang armas na pipiliin ko
upang takasan ang seldang
pinagtibay ng luha at siphayo.


Madilim
Makipot
Nakasasakal ang lugar na ito.
May mga nagbubulungang anino
Nagdidikta sa kung ano
ang pipiliin ko.


"Piliin mo ang papel!"
wika ng isa
Tumangis gamit ang tinta
Magpakawala sa bawat letra
Sa mga taludtod ay 'yong ipadama
Hinagpis ng pinaglumaang pluma.


Gunting! Gunting!Gunting!
Itarak sa pusong dumadaing
o 'di kaya'y sa pumipintig na pulso
Upang tuluyang matuyo
ang bumabalatay na pulang likido.


Damputin mo! Ang matigas na bato
Ipukpok sa 'yong sentido
nang ika'y maggising at matuto
Matauhan
Maalog
Sa katotohanang
ganito ang buhay,
Minsan malupit.


Papel––
Gunting––
Bato––
Alin sa kanilang tatlo?
Nalilito...
Nalilito...

La PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon