Kay gandang dilag---
nanghahalina ang
angking tanyag
Kumikinang na animo'y
perlas na nasisikatan
ng sinag
Walang kapara, sinuman ay mabibihag
Kadalisayan ang natatangi niyang kalasag.-∆-
Paboritong kulay niya'y luntian at bughaw
Kapara ng malinis na karagatang abot-tanaw
Kapara ng luntiang kagubatan na sa'yo ay pupukaw.Isang dapithapon
sa dambana ng mansyon
Mansyong pinamumugaran ng mga mananamantala.
pumalahaw ang kanyang basag na tinig...
nagmamakaawa...
nagmamakaawang...
itigil ang panggagahasa
panggagahasa ng mga
lider, pulitiko, at iba pang tao.
Taong panandalian ang kasiyahang gusto.
Taong pansarili lamang ang nakatatak sa sentido.-∆-
Unti-unting nalantad ang kanyang kahubdan
Naiwan siyang madumi...
Nakasusulasok...
Pinandidirihan...
Walang nais managot sa kalapastanganan.-∆-
Siya si Pilipa,
Biktima ng panggagahasa
Matapos kunin ang
angking tanyag
Iniwang hubad
Pinagsawaan ng mapang-abusong mamamayan
Biktimang humihiyaw
Ng hustisya
Hustisyang kay hirap maabot.
Hustisyang ngayo'y pinagdadamot.
BINABASA MO ANG
La Pluma
PoetryMay mga katagang hindi kayang ilabas nang matabil kong dila, May mga pangyayaring nais kong isalaysay ngunit ako'y nababahala, May mga panambitan na gusto kong ipanawagan ngunit 'di ko mapakawalan, Duwag na ba akong matatawag kung sa tula ko na lama...