TC4

403 15 4
                                    

Rica Salvador on the right -->

Zia's POV

>>Continuation of Flashback<<

Halos araw-araw ganun ang nararanasan ko. Nakakainis na nakakairita na nakakasakit na. Pero mas masakit yung sinabi sa akin ng crush ko. Masama bang magkacrush ngayon? Bakit ganun? 2 years ko ding tiniis ang pangungutya ng ibang tao sa akin, ang halos araw-araw na pambubully nila sa akin. Isang araw nung grade 4 na ako at grade 6 naman siya. Hindi ko inaasahang na sasabihin niya ito sa akin.

"Zianell. I love you." Nung narining ko yun sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe. Sobrang saya ko. Sa sobrang gulat ko, naubos ko agad yung kinakain ko na ice cream. Hindi ko siya napansin at lumapit na agad kay Misty at Mikaela. Sobrang nakakakilig!

"MISTY!~ Nag-ILY yung crush ko sa akin." Kinikilig kong kwento sakanilang dalawa ni Mikaela.

"O? Si Peter?" Tanong ni Misty. Tumango-tango naman ako. "Naks naman haba ng hair."  Pang-aasar niya saken.

Nung dumaan ako sa harap nila kasi dun lang naman talaga ang daanan pabalik ng room namin.

"Zianell! Crush din kita." Pag-amin ni Jerome tapos yung mga tropa nila nag-a-ayieeee. Inaasar sila ng sobra.

"Nag-aagawan silang dalawa sayo." Sabi nung isa nilang katropa. At ako? Hindi alam ang gagawin. Kinikilig ako na nalilito. Na-a-awkward rin ako. 

Pinabalik kasi kami ng adviser namin sa room, pagkapasok ko.

"Zianell! Narinig namin sila Peter na pinagtitripan ka lang daw nila. Pinagtatawanan ka nga e. Ang sabi pa 'Si Zianell nasabihan lang ng I love you kinilig na.'" Kwento ni Mikaela sa akin. 

*Mental breakdown*

Ang sakit. "Seryoso ka ba? Totoo ba tong sinasabi mo?" Paninigurado ko. Mamaya kasi sinisira lang nila trip ko.

"Oo. Narinig namin ni Misty diba mas nauna kaming umakyat kaysa sayo." Sabi ni Mikaela. "Tsaka magsisinungaling ba kami sayo?" Oo nga naman, hindi sinungaling si MIkaela, lalo na sa akin. Bakit naman kaya nila ginawa yon? Hindi ba nila naisip yung mararamdaman ko basta masaya sila? Ganun ba sila kagago?

>>Na-cut ang flashback ko<<

"Zia? Zia? Zia! Hello? Okay ka lang? Oy... bakit natutulala ka na diyan?" Tawag ni Calvin sakin tapos kumakaway kaway pa sa harap ko. Ay? Nakatulala ba ako? Masyado akong na-absorb sa reremenisce ko.

"Ay sorry. May naalala lang ako. Okay sige payag ako. Anong oras daw ba ulit?" Tanong ko ulit Hindi ko narinig kung anong oras hahahaha tsaka mamaya sobrang late na. Sino mag-aasikaso kay KZ? Hanggang 4 lang naman kasi work ko dito.

"8PM. Kaya mga 7 maghahanda na tayo para sa mga nireserve nilang orders." Sabi ni Calvin sakin Ok ok. Now I get it. Dapat lagi akong attentive. Nakakatanga kasi, di ko na nga iisipin yon. Bakit ba kasi sumagi nanaman yun sa isip ko?

"Babalik na lang ako ng 7 kasi 4:30 uwian nila KZ. Walang mag-aalala dun tsaka hindi alam ni Rica yung schedule ni KZ at isa pa nagpromise ako sakamya na susunduin ko siya ngayon." Sabi ko. Ayokong mawala tiwala sa akin ng anak ko. "Ayokong i-break ang promise ko."

"O sige naiintindihan kita basta 7 sharp nandito ka na ha?" Paalala sa akin ni Calvin. Of course.

"Oo sige makakaasa ka." Sagot ko at bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga trabaho.

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon